Paranormal and Beyond
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Ouija Board

Go down

Ouija Board Empty Ouija Board

Post by Neal Ocampo Wed Oct 16, 2013 11:54 am

Chapter I

MISCHIEF AT THE SCHOOL

Ang story na ito ay base sa experience ng aking pinsan na si Kevin at ng kanyang mga barkada.

Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Kuya Kevin ay madalas itong nakakaranas ng mga bagay na hindi maipaliwanag. Hindi niya na binalak pang ipaalam sa kanila sapagkat mas takot ata siyang isipin nilang may diperensiya siya. Like paranoid siya, schizophrenic or hallucinator.

Pero ang hindi niya pinaka-makakalimutang paranormal encounter ni Kuya ay nung sumali siya sa Senior Red Cross Youth Council ng kanilang paaralan. Napagkasunduan nilang magbabarkada na umattend ng Leadership Formation Course na icoconduct ng nasabing Council na sinalihan nila. Saturday and Sunday ang araw na itinakda para sa training at overnight iyon.

Unang araw ng training, 7:00 A.M., sinalubong agad siya ni Christopher na isa sa mga barkada niya. Siya ang pinakamatanda sa kanilang lima na magkakaibigan, 18 years old na siya, pero 4th year high school pa rin sapagkat ayon kay Kuya Kevin ay huminto ito ng pag-aaral nung naaksidente siya sa kanilang probinsiya. Si Christopher ang tumatayong leader ng barkada, dahil bukod sa siya ang pinakamatanda ay siya rin ang President ng maraming Clubs sa school. Ngunit ganun pa man, si Chrisyopher din ang No.1 violator ng school rules.

Ang girlfriend naman niyang si Raquel ay 3rd year High School, siya ang brainiac sa magbabarkdada. Walang inatupag kundi libro at laptop. Minsan, iniisip ni Kuya Kevin na mas mahal pa ata ni Raquel ang laptop at mga aklat niya kaysa kay Christopher.

Iyong dalawa pa nilang barkada na kambal ay 2nd year high school at kaklase ni Kuya Kevin since Kindgergarten. Sila ay sina Michael at Marcus. Si Michael ang bully ng grupo at ang kapatid naman niya na si Marcus ay ang clown nila.

Kararating pa lang ni Kuya Kevin ay kinorner na kaagad siya para magpaliwanag kung bakit siya na-late. Almost 1 hour na kasi simula nung nag-start iyong training at hindi pa siya dumarating.

"Kala ko di ka pinayagan ni Mama mo eh? Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Raquel sabay akbay pagsalubong niya kay Kuya.

"Sorry guys, pahirapan kasi ito si Mama eh. Ang dami munang pinagawa sa akin bago ako pinaalis ng bahay." Sagot nito. At bigla niyang tanong "Asan na nga pala si Ms.Villanueva?"

Sumagot si Christopher, "Ayun kanina ka pa sa akin tinatanong kung aattend ka raw o hindi."

"Magpakita ka na sa kanya para matuwa naman yon!" Sabay sabi ni Marcus.

Umepal naman si Christopher at sinabing "Kasi nga favorite eh! Teacher's pet."

Sumabat naman si Raquel at sinabing "At nagseselos ka naman?"

Hindi na nakasagot pa si Christopher, tumalikod na ito at sumali na sa mga estudyanteng nakaupo sa sahig.

Mga ilang oras din ang itinigal ng lesson tungkol sa Leadership skills pero kahit nangitlog na sila sa matagal na pagkakaupo ay ayos lang dahil entertaining at may "WOW" factor ang naglelecture sa kanila.

Pagkatapos ng lecture ay inatasan na silang bumuo ng grupo para sa mga activities na kanilang gagawin sa maghapon hanggang kinabukasan. Siyempre pa, silang limang magbabarkada ay ang siyang nasa isang grupo.

Maraming activities ang inilaan ng Committee para sa mga bagong members ng Red Cross. Nakakapagod pero napakasaya. Maraming kang matututunan, hindi lamang pagtatapal ng band-aid sa sugat kundi pati pag-eenhance ng skills at competencies ng mga kabataan.

Sumapit ang dilim, 6:00 P.M., and the trainor assigned every group na gumawa ng isang cheer. Ipeperform ng bawat grupo iyon bukas ng hapon so they had all night para pag-usapan ang routines na gagawin nila at pagplanuhan ang yell na gagamitin nila sa nasabing showmance.

Ngunit imbes na pag-usapan ang cheer ay inaya sila ni Michael sa loob ng isang kuwarto, mayroon daw siyang ipapakita daw sa loob. Sa kanilang pagpasok ay ipinakita sa kanila ni Michael ang isang "Ouija board" na yari lamang sa isang illustration board at ang mga letra nito ay nakasulat sa itim na pentel pen. Naglabas din siya ng anim na kandila, posporo, at baso.

"Ay nako Michael interesado ka talaga pagdating sa Demonology" sabi ni Kuya Kevin.

"Demonyo kasi yan!" Pang-aasar naman ng kanilang kakambal.

"Bobo ka?! Di ba nakwento satin ng isa nating teacher. Na sa America daw, may isang unit ng Police doon na gumagamit ng Ouija. Tapos meron daw silang isang psychic na ginagamit para mabilis na ma-solve yung mga kaso na mahirap i-solve."

Agad namang sumagot si Christopher at sinabing "Eh America ba to? Police ka ba? May psychic ba sa atin?"

"Wala namang mawawala eh, saka kung ayaw mo dahil takot ka, eh di wag kang sumali!"

Bago pa magkapikonan ay nagyaaya na si Christopher na umpisahan ng laruin ang Spirit of the Glass para patunayan sa lahat na hindi siya takot sa multo. Pero napansin ni Kuya na may kakaiba kay Christopher, nanginginig ang mga kamay niya, balisa at halata sa pagsasalita niya ang tinatagong kaba. Napabulong na lang si Kuya sa kanyang sarili na ang tapang ni Christopher magyaya pero nanginginig naman.

Nagulat din si Kuya na sumali ang nag-iisang babae sa grupo at siya pa mismo ang nagvolunteer na mag-dasal. Matapang naman sinabi ni Kuya Kevin na umpisahan na ang laro at excited na siya maka-chat ang mga multo sa kanilang eskuwelahan.

Labag sa rules ang ginawa nilang pagpasok sa room dahil sa quadrangle lang silang pinapa-stay pero dahil sila ang 'batas' walang bawal, bawal sa kanila. Hindi naman sila mahuhuli kung walang magkukuwento at walang makakahuli.

Nagdasal na si Raquel, matapos nito ay pinatay ng kambal ang ilaw at sinarado ang dalawang pinto ng room at mga bintana. Nang matapos ay sinuot naman ni Marcus ang kanyang hood at nakuha pa niyang manakot habang sinisindihan naman ni Michael ang anim na kandilang puti. Sa anyaya ni Michael ay isa-isa nilang pinatong ang dalawa nilang daliri sa baso. May kinuha siyang parchment sa bulsa niya at inusal niya ang mga oracion na nakasulat sa salitang latin.

Maya-maya pa ay nagtanong na si Michael, "Kung may kasama kami dito. Ano ang pangalan mo?"

Hindi gumalaw ang baso. Mga ilang sandali pa ay nagtanong ulit siya. "May kasama ba kami?" Subalit hindi padin gumalaw ang baso.

Umaayaw na si Raquel. Pinigilan naman siya ni Michael nang biglang nag-ring ang cellphone ni Christopher. Tinawagan siya ng Mama niya at tinatanong kung anong oras ang uwi, di pala siya nagpaalam. Matapos ang pagpapaliwanag ni Christopher sa kanyang high-blood na nanay at mahabang sermon naman nito ay bugnot na pinabalik ni Michael ang daliri ng lahat sa baso.

Muli nilang itinuloy ang pagtatanong. Sinubukan ni Kuya Kevin na magtanong. Matapang siyang magtanong sapagkat sanay na siya sa mga multo. Sa kanyang unang tanong ay walang nangyari, sa pangalawa ay wala pa rin at sa kanyang pangatlong tanong ay biglang natahimik ang lahat at nasindak dahil dahan dahang gumagalaw ang baso. Sobrang kinilabutan ang lahat dahil kusang gumagalaw ang baso kahit naka-angat ang mga daliri nila sa puwet nito.

"Ako na ang mag-tatanong!" Sigaw ni Michael na halatang gusto magbida. Agad namang kinontra ni Kuya Kevin si Michael "Wag Mike! Ako na ang magtatanong kasi ako ang nakatawag sa kanya." Sambit ni Kuya. Una siyang tinanong ni Kuya kung lalake siya. Gumalaw ang baso at tumapat sa YES. Sunod na tinanong ni Kuya ay kung ilang taong gulang na siya. Muling gumalaw ang baso at tumapat sa 3 at 5.

Muli siyang nagtanong kung bakit siya ang sumagot sa kanilang tawag. Hindi gumalaw ang baso. Muli siyang nagtanong "Saan ka ba nakatira?", gumalaw muli ang baso P-A-S-I-G.

"Anong pangalan mo?" Sunod na question ni Kuya Kevin. Wala nanamang sumagot ngunit namatay ang mga kandila kahit na walang hangin silang naramdaman. Biglang napasigaw si Christopher bunga ng sobrang takot sa nasaksihan, habang umiiyak naman si Raquel. Nakatulala naman ang dalawang kambal, nang sabay sabay na umilaw nanaman ang anim kandila.

"Ayoko na!" Sigaw ni Christopher.

Nanginig ang buong katawan ni Kuya Kevin nang magbagsakan ang mga papel na naka-pin sa Bulletin Board at mistula silang tinatangay ng hangin at kumalat sa buong silid. Habang nagaganap ang mga pangyayari ay bigla na lang nakita ni Kuya Kevin ang isang lalaki sa likod ni Raquel. Sa takot ay binuksan na ni Kuya Kevin ang ilaw at bigla na lang itong naglaho.

Nagtakbuhan palabas ang magkakaibigan. Iniwan nila ang baso at Ouija sa kuwarto dahil walang gustong dumampot nito. Wala silang pakialam kung madiskubre man ito ng mga estudyante at gurong gagamit ng silid.

Hindi naman sila nahuli dahil saktong kakatapos lang din mag-meeting at kumain ng ibang grupo. Pero marami ang nagtaka kung bakit pawis na pawis sila. Maraming naghila na baka nagpractice na sila para sa Cheering bukas.

"Di naman kayo masyadong prepared niyan?" Biro ng isa nilang classmate.

Sa sobrang takot ay nagsipag tulog na ang tatlo sa kanila. Natulog sila kasama ang ibang grupo sa likod ng stage. Naglatag sila ng foam sleeping pads sa sahig at doon sila nahiga. Nakadapa si Marcus at nakatakip ng unan ang kanyang batok habang madiin niya itong hawak. Si Michael naman ay nakatagilid at nakatakip ng towel ang mukha habang si Raquel na nakahiwalay sa grupo dahil siya ay nasa side ng mga babae ay nakabalot ng makapal na kumot.

Si Kuya Kevin at si Christopher nalang ang gising. Balisang balisa siya at tila malalim ang iniisip. "Ano ang iniisip mo Chris?" Tanong ni Kuya Kevin.

Agad naman siyang sumagot na medyo papilosopo "Obvious ba? Siyempre yung nagyari kanina".

"Gusto mo kausapin natin?" sabi ni Kuya Chris.

"Mag-isa ka, sobrang takot ko na nga kanina eh." ang sabi ni Christopher.

"Chris... Andoon siya sa pinto." Tinuro ng mga mata ko ang pintuan. "Gago ka! Tulog na ko bahala ka diyan," ang nasabi naman ni Chris. Aminado naman si Kuya Kevin na kinikilabutan siya, pero hindi naman tulad ng kanyang mga kaibigan. Sumunod ay naisip niya na ring matulog ngunit tila ayaw siyang dalawin ng antok, pakiramdam niya ay tila nakatingin parin ang lalaki sa kanya.

Nagkumot siya at niyakap ang unan niya ngunit bigla na lamang may tumalon o humakbang sa paanan niya. Napaupo siya sa pagaakalang baka tinalunan siya ng pusa. Nang matiyak niyang wala namang gumimbala sa kanya then bumalik siya sa pagkakahiga, tumagilid at tinignan niya si Chris para sana tignan kung tulog na nga ba ito, ngunit nagulat na lang siya ng nakita niya ang paang nakatayo sa pagitan nila ni Christopher.

Nanlamig ang kanyang pakiramdam, napabuka ang kanyang bibig at narinig niya ang isang bulong mula sa kanyang kaliwang tenga pero hindi niya ito maintindihan. Dahan-dahan namang nilingon ni Kuya Kevin ang source ng bulong at nakita niya ang isang babaeng nagpapasuso ng sanggol. Dahan-dahan namang pumipihit ang ulo ng sanggol na tila gusto siyang makita. Nagkumot si Kuya, pumikit, nagtanda ng krus at nagdasal. Bumubulong siya ng dasal ngunit naririnig pa rin niya na paulit-ulit binabangit ang kanyang pangalan na tila nag-eecho hanggang sa unti unit na siyang nakatulog.


Last edited by Neal Ocampo on Wed Apr 09, 2014 1:56 pm; edited 3 times in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Wed Oct 16, 2013 11:58 am

Chapter II

SPIRITS OF THE DEAD


Wala pa lang nakatulog ng maayos sa kanila maliban kay Kuya Kevin. Lahat sila ay kinikilabutan, natatakot at balisa kagabi sapagkat hindi maiwasang sumagi sa isip nila ang nasaksihan.

"Uy! Walang makaka-alam nang nangyari ah. Satin satin lang to." Ang unang nasabi ni Christopher nang nagasing siya.

Napasagot naman si Michael at sinabing, "Ayaw ko na."

Hindi makapaniwala si Kuya Kevin sa kanyang narinig. Sa pagkakaalam niya kasi ay walang kinatatakutan itong si Mike. Siya ang kinatatakutan ng mga wimp sa school. Kung hindi nga sana nakatingin si Kuya Kevin kay Mike nung narinig niya iyong expression niyang iyon ay hindi iisipin ni Kuya na si Mike ang nagsabi nun ngunit nakita niya mismo na lumabas ang mga titik sa katagang 'Ayoko na' mismo sa bibig ni Michael.

“Kulit mo kasi eh!” tugon ni Marcus.

"Di parin ako mapalagay dahil sa takot dahil sa nangyari kagabi guys." Ang sabi ni Raquel. Niyakap naman siya ni Christopher ng mahigpit na mistulang nagpapahiwatig sa kanyang kasintahan na safe and secure siya sa piling nito.

Biglang sabay sabay silang natahimik at lahat tumingin kay Kuya Kevin at tinanong niya kung bakit sila nakatingin. "Nothing." Ang sabi ni Raquel.

"Shit nga eh! Naiwan ko iyong bag ko dun sa room eh, tara Mike kunin natin." Pagbasag ng katahimikan ni Marcus.

"In your dreams!" Sagot ni Michael na nakakunot ang noo. "Gago ka! Ayoko nga!"

Tumigil ang lahat nang nagsimulang magsalita si Kuya Kevin. Nagkusot muna ito ng mata atsaka sinimulan niyang ilahad sa kanila ang mga naganap bago siya makatulog. "May binubulong sila sa akin guys, pero ang labo ng dating".

"Alam mo, huwag mo na lang silang pansinin Kevin! Baka kung mapano tayo niyan eh." Sambit ni Christopher.

"Sure ka Babe? Baka naman mas mapano tayo kung hindi natin sila..." Hindi pa natatapos ang nais na sabihin ni Raquel ay sumabat na kaagad itong si Chris.

"Dont tell me, sasamahan mo ito?"

Naputol ang conversation nila nang dumating ang isang estudyante. Pinapatawag na raw sila ng lecturer para sa assembly. Tahimik silang umupo sa sahig para makinig ng panibagong aralin. Lahat sila ay walang kibo. Hindi malaman ni Kuya Kevin kung dahil ba ito sa wala silang nai-prepare na cheer o dahil pa rin sa encounter nila kahapon at sa naikuwento niya sa kanila.

Bago ang cheering ay nagpa-meeting muna ulit ang mga trainors para plantsahin at magkaroon ang bawat group ng general practice sa kanilang mga performance.

Pinipilit ng grupo na magkaroon sila ng brainstorming para sa kanilang ipeperform pero parang kinalawang lahat ang kanilang utak. Walang makapag-contribute ng magandang ideya at lahat sila ay naghihintay lamang ng sasabihin ng bawat isa.

So dahil last minute na ito at nakakahiya namang wala silang gagawin sa harapan kapag tinawag na ang kanilang grupo ay nag-practice na lamang sila ng kung anu ano. At gumawa ng mga routines na walang direksiyon.

Ang tanging naisip ni Christopher na gagawin nilang yell ay ang walang kadating dating na:

"No more, no less
Nameless is the best
Yey!"

Napagdesisyunan nilang tawagin ang kanilang grupo na "Nameless".

Nilagyan na lang ni Raquel ng konting choreograph ang yell na limang beses nilang uulit-uliting sabihin.

Then dumating na ang pagtutunggali, kinakabahan si Marcus, halatang hindi ito sanay na humarap sa maraming tao. Bigla siyang naihi. Nagpaalam siya sa grupo at dahil last number naman ang nabunot ni Chris ay pinayagan nila itong umalis muna para pumanta sa banyo.

Madali siyang pumunta sa C.R. ng mga lalaki. Hindi pa niya nararating ang C.R. ay tumutulo na ang kaniyang ihi sa pantalon.

Tahimik sa buong corridor. Dinig na dinig ang yabag ng sapatos niya. Linggo kaya walang estudyante at mga guro. Bago pa makarating si Marcus sa corner ng school kung saan nandoon ang mga banyo ay bigla siyang kinilabutan. Marahil malamig lang kasi mukang uulan sabi nito sa sarili. Ngumiti ang janitor sa kanya na nagpupunas ng mga pader at inaalis ang mga dumi ng floorwax galing sa mga sapatos ng estudyante at mga sulat ng lapis.

"Ihing-ihi na?" Usisa niya. Tumango lang si Marcus.

Hanggang sa marating ni Marcus ang C.R. ay parang aburido siya. Pinihit niya ang dorrknob. Naka-lock ito. Tatalikod na sana siya para kunin ang susi sa Janitor nang bumukas ang pinto. Walang tao. Nakita ni Marucs ang reflection niya sa salamin. Nilingon niya ang Janitor at pagkatapos ay nag-wave siya sa kanya. Pumasok si Marcus sa C.R. at pumunta sa loob ng isang cubicle. May mga urinal naman sa dulo ng C.R. pero nagmamadali na si Marcus dahil feeling niya talaga ay sasabog na ang pantog niya kaya minabuti niya na pumasok na lang sa unang pinto na nakita niya.

Kulob ang katahimikan. Habang umiihi siya ay sinasabayan niya ito ng pagbibilang nang biglang may narinig siyang tunog ng mga susi sa loob ng C.R. Nagtaka siya, hindi naman niya narinig na bumukas ang pinto. Mabilis niyang ziniper ang kanyang pantalon at sinilip ang labas ng kanyang cubicle. Walang tao. Nung bumalik siya sa loob para sana i-flush ang toilet bowl ay pumasok ang isang janitress na medyo stocky ang katawan at may hawak na mop at may kasunod ito na batang babae. Hindi iyon pinansin ni Marcus dahil inisip niya na marahil ay anak niya ito, kinalabit na niya ang flush handle at narinig sa buong silid ang ragasa ng tubig sa toilet bowl.

Pumunta si Marcus sa lababo para maghugas ng kamay. Tumingin siya sa malaking salamin para ayusin ang kaniyang buhok at nakita niya ang janitress na nagmomop sa kanyang likod ngunit kapansin-pansin ang batang babae. Nakahawak sa braso ng Janitor ang bata at nakatingin ito sa kanya. May suot itong makapal na jacket na kulay puti. Pero basang-basa yung buhok niya. Basa pati mukha nito. Para itong sumugod sa napakalakas na ulan.

Umiling na lamag si Marcus, yumuko para hilamusan ang mukha, pinunasan ito ng panyo at nagpolbo. Kasabay nang pagsauli ng polbo sa bulsa niya ay dinukot ni Marcus ang cellphone niya. In-open iyong playlist at ini-scroll down hanggang sa nakita niya ang mga RnB songs. Clinick niya iyong play.

"Pampakalma." Sambit niya sa sarili habang papapunta sa pinto palabas.

Kukunin niya pa lang sana ni Marcus ang knob nang biglang bumukas ang pintuan. Natamaan sa ilong si Marcus at napaatras. Nagulat naman ang janitress at nagkatinginan sila.

Gumilid si Marcus para sana bigyan daan kung sinuman ang papasok pero wala naman. Tumingin si Marcus sa babae at napansin niyang wala na ang bata sa tabi nito.

"Te. Asan po 'yung anak n'yo?" Tanong ni Marcus sa janitress.

"Ha? Anong anak?" Pagtataka niya.

"Kanina may kasunod po kayong bata pagpasok niyo dito di ba? Nakajacket siya."

"Mag-isa lang akong pumunta dito sa C.R.," Sagot niya.

Natahimik na lang si Marcus at agad na lumabas ng C.R. Sa dulo ng corridor ay nakita niya ang bata na nakajacket na tumakbo pakaliwa. Walang balak si Marcus na sundan ito ngunit doon talaga ang way niya pabalik sa assembly. Nang marating ang dulo ng corridor ay parang natukso siya na lingunin ng saglit ang daan na pinagtakbuhan ng bata.

Mabilis siyang sumulyap at nagulat na lang siya ng nakita niya sa kanyang harapan ang isang babaeng nagpapasuso ng anak, kasabay nito ang batang naka-jacket na kapit na kapit sa kanya. Pareho silang nakatingin kay Marcus na tila kinikilala siya. Naglalakad sila patungo sa isang room at maya maya pa ay tumagos sila sa pader at biglang naglaho.

Kumaripas ng takbo si Marcus at nagsisigaw sa hallway. Nabangga naman niya si Kuya Kevin na naghahanap sa kanya dahil sila na ang susunod pagkatapos ng nakasalang na grupo.
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Wed Oct 16, 2013 12:01 pm

Chapter III

DROPPED OUT

Hindi na nakapag-perform pa si Marcus sa cheering, kaya naman walang choice ang apat kung hindi sila na lamang ang magperform ng kanilang not so prepared na cheerdance.

Nakaraos naman sila kahit na halatang hindi nasiyahan ang karamihan at na-frustate pa ata ang iba dahil sa pagkakaalam nilang nagbabad sila kagabi para pag-meetingan ang nasabing assignment nila ngayon.

Wala nang pakialam pa ang apat sa mga negative comments ng mga tao dahil mas iniintindi nila ngayon ang kalagayan ni Marcus na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin. Nakapaikot sila sa nakaupong Marcus na nakasubsub ang mukha sa mga brasong nakapatong naman sa dalawang tuhod niya.

"Bro, ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Michael.

"Guys, nakakita ako ng multo." Walang nakaimik sa apat kaya pinagpatuloy ni Marcus ang kanyang sasabihin, "Natatakot ako baka sundan tayo ng mga natawag natin kagabi."

"Kalokohan!" Sigaw ni Chris. "May hang-over ka pa kagabi kaya ka nagkakaganyan."

"Babe, ano ba?" Sambit ni Raquel sabay siko sa kanyang tiyan.

Matapos ang nasabing leadership training ay niyaya muna ni Raquel ang mga kaibigan niya para magdasal bago nila lisanin ang kanilang school. Nag-agree naman ang lahat except kay Chris na OA na raw ang mga kaibigan niya dahil sa masyadong pagiging seryoso sa nagawa nila kagabi. Pero ganun pa man hindi naman siya nakapalag sa kanyang girlfriend kaya sumali na rin siya.

Kinabukasan habang break ng mga Sophomore ay nakita ni Kuya na hinahabol ni Marcus si Michael pababa ng hagdanan at tumatakbo papasok ng canteen. Sa palagay ni Kuya ay nangungulit pa rin si Marcus na kunin nila ang bag niyang naiwan sa room na pinaglaruan nila ng Spirit of the Glass.

"Uy, Mike kunin na natin!" Pagmamakaawa ni Marcus sabay naupo sa tabi ng kanyang kambal.

"Ayoko nga Marc! Para kang gago!" Sagot niya.

"Nandun iyong iba kong textbook eh, at saka nandun iyong mga..." Paliwanag ni Marcus sa kapatid.

"Hindi ko problema iyon!" Kunot noong sagot ni Michael.

Tumayo na si Marc. Halatang yamot at pumunta sa may counter para umorder ng pagkain. Habang umoorder ito ay lumapit sa kanya ang isang madre.

"Marcus James Limos." Pagtawag nito sa kanya. "In my office, kailangan ka namin makausap."

Kinabahan bigla si Marc, hindi niya na nagawang magtanog sa madre. Agad niyang sinunod ito at sumunod papuntang office.

Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ng opisina ni Sister Clarisse ay bumungad sa kanya ang kanyang bag na naiwan nung isang gabi. Nakapatong ito sa isang maliit na table. Ngunit mas lalo siyang kinabahan nang mapansin niyang katabi nito ang customized Ouija na gawa ng kanyang kapatid at iyong anim na puting kandila.

"I want an explanation bakit may naiwan kang bag sa Room 306 kasama ang mga ito. Alam mo ba kung ano itong mga ito?" Sambit ng madre na nakaupo na, kaharap ang kanyang desk na punong puno ng papel.

Hindi makasagot si Marcus. Hindi rin siya makatingin sa mga mata ni Sister Clarisse. Feeling niya kasi ay lalamunin siya nito if he made an eye contact with her. Pinaupo siya ng madre sa isang swivel chair at muli siyang tinananong, "Sa iyo ba ang mga ito?"

Hindi malaman ni Marcus ang dahilan pero parang may nag-udyok sa kanyang tumango at akuin ang kasalanan na ginawa nilang magbabarkada. Wala siyang itinurong iba. Wala siyang dinamay. Kahit na ang kapatid niyang si Michael na siya naman talagang nagmamay-ari ng Ouija ay kanyang pinagtakpan.

Wala naman sa School Rules na bawal ang maglaro ng Spirit of the Glass ngunit dahil sila ay nasa Catholic School at labag sa doktrina ng Simbahang Katoliko ang paggamit ng mga bagay na may kinalaman sa occultismo ay binigyan ng isang buwang suspensiyon si Marcus at bukod dito ay pinapatawag din ng School Admin ang kanyang mga magulang na siyang ikinabahala ni Marc dahil alam niya kung paano magalit ang kanyang tatay kapag nalalasing ito.

Tuliro si Marc nang maglitanya ng sermon ang madre at binasa sa kanyang harapan ang mga verses sa Bible na nagpapatunay na kasalanan ang kanilang ginawa. Napatingin siya sa labas. Napansin niya ang isang babae na nakatalikod sa harap ng sliding window ng opisina. Hindi niya matukoy kung sino o ano ito. Hindi siya naka-uniporme ng pang-guro o pang-janitress. Mas lalong hindi naman nakasuot ng pang-madre. Nakatayo lang ito at hindi gumagalaw.

Parang hindi nakikita ito ng mga estdyunateng dumaraan sa corridor. Maski ang isa pang staff na pumasok sa office ng madre ay parang hindi ito napapansin. Kung guest ito at may kailangan sa office ay papat ay tinanong na ng staff ito bago pumasok. Maaari sigurong nakausap na siya, dininig na ang concern niya at may hinihintay na lang.

Hindi na sana niya papansinin ito ng biglang gumalaw ang balikat nito na parang umiiyak. Napatunayan niyang umiiyak nga ito ng marinig niya ito. Hindi niya malaman kung bakit niya naririnig ang pag-iyak nito. Nakapinid ang pinto at sarado rin ang salaming bintana Medyo malayo rin siya sa pinto kung nasan ang babae.

Hanggang sa ang mahinahong pag-iyak nito ay naging hagulgol na para bang takot na takot. Palakas ng palakas ito.

Tiningnan niya si Sister Clarisse pero busy ito sa pagbabasa at parang wala siyang naririnig. Muli siyang napatingin sa labas ng biglang huminto ito sa paghagulgol. Unti unti itong humaharap. Nagulat siya ng makita niya kung sino ito. Ang babaeng nagpapasuso ng anak. Tila nagmamakaawa itong nakatingin sa kanya.

Napatayo siya sa knayang inuupuan at natibag niya ang flower vase sa desk ni Sister Clarisse. Dahilan para lumikha ito ng ingay na nagpagulat sa madre at sa dalawang staff sa opisina niya.

"Marucs James!" Yugyog sa kanya ng madre/

Doon lang parang natauhan si Marc. Pagkakita niya sa mukha ng madre ay agad siyang tumingin sa labas pero wala na ito doon.

Napatingin naman ang Madre sa tinitingnan ni Marc.

"Ano bang nangyari sayo?"

"Sister? Sister... Iyong babae...May babae, sister... Baka saktan ako..." Nagramble ramble na ang sinasabi nitong sentence.

"Ano ba? Ano bang nangyayari sa iyo. Kanina pa kita tinatawag para kang wala sa sarili. Yung itsura mo parang may kinatatakutan ka."

Tinulak ni Marc ang madre dahilan para matumba ito at kumaripas naman siya ng takbo palabas ng office. Tumingin tingin siya sa paligid baka sakaling makita niya ulit ang babaeng nagpapasuso pero wala na talaga ito.

Nagtatakbo siya sa corridor, hindi niya malaman kung saan siya pupunta. Gusto niyang magtago. Gusto niyang mapag-isa. Dinaanan niya ang kanilang room at nakita siya ni Kuya at ng kanyang kambal na si Mike, nagtataka sila kung bakit hindi ito pumasok at sa halip ay dumiretso ito papuntang hagdanan.

Bumaba siya ng hagdan at para bang dinala siya ng kanyang paa sa C.R. na kung saan niya nakita ang batang multo noong Red Cross training. Pumunta siya sa dulong cubicle at doon nagtago. Nanginginig siya sa takot. Ilang beses siyang napakrus at napasambit ng Ama Namin ngunit hindi niya ito matapos tapos.

Maya maya pa ay nakarinig siya ng kalansing ng mga susi sa loob ng C.R.

"Baaagggg!!!" Malakas na tunog mula sa pinto ng isang cubicle. Tila may sumipa dito. Napaupo si Marcus sa toilet bowl, hawak hawak ang kanyang bibig at pinipigilan ang sarili na sumigaw.

"Baaagggg!!!" Parang may isang taong galit na galit at may hinahanap sa loob ng mga cubicle. Itinaas ni Marcus ang dalawa nitong paa at tumuntong siya sa bowl. Para itong batang dumudumi.

"Baaagggg!!!" Iniisa-isa ng kung sinuman ang bawat cubicle sa C.R.

Nasa pang-apat na cubicle si Marcus at tumigil ang paghinga niya ng dahan dahang bumubukas ang pinto nito. Napapikit siya at may narinig na malakas na tunog. Parang may nagpaputok ng baril. Ilang sandali pa ay minulat niya ang kanyang mata, halos mahimatay siya sa takot ng makita niyang nakatungtong siya sa duguan at walang buhay na babae na nakaupo sa toilet bowl, nakamulat ang mata nito at parang may tinitignan. Sinundan ni Marcus ang mga mata ng babae at nakita niya ang sanggol na wala na ring buhay at basag ang bungo.

Agad siyang lumabas ng school kahit hindi pa tapos ang klase, sinabukan siyang habulin ng guard pero sumakay kaagad ito ng tricycle at mabilis na pinasibad ito.

Tatlong buwan na hindi nakita si Marcus sa kanilang bahay at sa school. Walang makapag-sabi kung na saan siya. Kumalat ang balita sa buong eskuwelahan na naglayas ito dahil sa pang-aabuso ng kanyang ama.

Pero natagpuan din siya ng kanyang Papa sa bahay ng kanyang Uncle. Nagdemandahan pa nga ang mga ito dahil sa ginawang pagtatago ng Uncle niya kay Marc pero nagkasundo rin ng sinabi ni Marc na siya ang nakiusap sa kanyang tiyuhin na huwag ipapaalam sa pamilya niya kung saan siya nagtatago.

Hindi na muling pumasok pa si Marcus sa eskuwelahan kahit na anong gawin bugbog ng kanyang ama. Wala rin magawa ang kanyang ina dahil nagmamatigas talaga itong si Marc na ikamamatay niya kapag pumasok pa siya ulit.


Last edited by Neal Ocampo on Sat Oct 26, 2013 5:49 am; edited 1 time in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Wed Oct 16, 2013 12:02 pm

Chapter IV

BLOODY MARY



Kahit na panghapon ang schedule nila Kuya Kevin at Raquel ay kasabay sila ng mga pang-umaga pumapasok. Parehas kasi silang library assistant kapag umaga, mula 7:00 A.M. hanggang 11:30 A.M. Si Raquel din ang may hawak ng susi sa library kaya obligado siyang pumasok ng maaga.

Silang dalawa lamang ni Kuya Kevin ang nasa loob ng silid aklatan dahil nagkaroon ng meeting ang lahat ng guro, madre at school staffs sa AVR. Nakabukas ang TV ng library, na nakalagay sa wall hanging bracket at nasa istasyon ito ng Knowledge Channel. Ngunit ang isipan ni Kuya Kevin ay wala sa kanyang pinapanood. Iniisip niya pa rin ang dahilan kung bakit nag-dropped itong si Marcus. Na-trauma ba siya sa mga nangyari matapos ang insidente sa paglalaro nila ng Spirit of the Glass?

Pagkatapos kasi nung paglalayas niya sa kanila ay nawalan na siya nang komunikasyon kay Marcus maging hanggang sa nung natagpuan siya ng kanyang Papa sa bahay ng kanyang tiyuhin ay hindi pa nakakahanap ulit ng pagkakataon si Kuya na kausapin ang kaibigan. Naging mailang na rin si Michael sa grupo at ini-snob niya ang lahat ng tanong ni Kuya Kevin kapag kinukumusta niya ang kakambal nito. Hindi na rin siya sumasama sa mga lakad nila at mayroon na itong bagong circle of friends; mga hard rock music enthusiasts at mga metal heads.

Di naglaon ay nakaramdam ng pagkaantok si Kuya Kevin. Napahiga siya sa leather na sofa na kanyang kinauupuan. Maiidlip na sana siya ng bigla na lamang siyang may narinig na pagbahing na parang galing sa isang bata sa likod ng sofa. Agad na napatayo si Kuya Kevin at sinilip kung kanino nagmula ang tunog.

Sa likod ng sofa ay may nakita siyang isang bata. Nagulat siya ngunit walang salita ang lumabas sa kanyang bibig dahil natulala siya sa bata. Tumingin sa kanya ang bata ngunit nagtago ito sa kanyang malaking white jacket at nagpupumilit na isiksik ang maliit na katawan sa likod ng sofa. Tila may kinakatakutan ang bata.

"Kev?" Narinig niyang bumaks ang pintuan ng library. "Si Raquel?"

Napatingin si Kuya Kevin sa may pintuan at nakita niya ang papasok na si Christopher. "Aaah, tignan mo dun sa dulo, nagaayos ata ng libro dun." Sambit niya. Nang muling tiningnan ni Kuya ang likod ng sofa ay wala na ang bata.

Nakadama ng takot si Kuya. Alam niyang hindi pangkaraniwan ang kanyang nakita kaya minabuti niya na munang lumabas ng silid, "Racquel, Chris... Diyan muna kayo hah..."

Hindi siya nakatanggap ng tugon mula sa dalawa kaya umalis na siya.

Natapos na rin ang pag-aayos ni Raquel ng mga libro sa pinakahuling section ng library, pumunta siya sa desk ng librarian at nilinis naman ang mga nakakalat na kagamitan dito. Samantala, ay nakatayo lamang ang kanyang boyfriend at pinagmamasdan siya.

"Ano? Bakit?" Tanong nito sabay dampot ng remote control at pinatay ang nakabukas na T.V.

"May gusto ba sa iyo si Kevin?" Tanong ni Chris.

Napahinto si Raquel sa ginagawa niya, hinarap si Christopher at saka nagsalita, "Bakit mo naman naisip yan?"

"Wala." Sabi ni Chris sabay hawi sa bangs nito, "Napapansin ko lang kasi kapag magkasama tayong dalawa, umaalis siya. Parang nagseselos."

Sasagot sana si Raquel pero may narinig silang tunog na nanggagaling sa dulong section ng library kung saan siya nagaayos kanina. Parang may kumukuha ng mga libro sa mga shelves.

"May tao ba dito? Akala ko tayo lang?" Pagtataka ni Chris.

Hindi na sumagot si Raquel at mabilis na pumunta sa dulo. Walang tao at wala ring nagalaw sa mga aklat na inayos niya. Nagkibit balikat ito ngunit mga ilang segundo ay may narinig nanaman silang kaluskos. Napakunot na ng noo si Raquel at pinagtiyagaan pa ring hanapin kung may tao mang lumilikha ng ingay.

Halos nasuyod na ni Raquel ang buong silid aklatan ngunit wala siyang nahanap na tao. Nang sinubukan niyang tanungin si Christopher kung saan banda ba niya naririnig ang tunog ay binigyan lamang siya nito ng blangkong ekspresyon at sinabing huwag niya na lang pansinin.

Pero hindi talaga mapakali si Raquel. Ganun pa man ay sinunod niya ang kanyang boyfriend at tumigil sa paghahanap.

Paalis na sana si Raquel at Christopher sa pinakuling section nang masilayan niya ang bust ni Virgin Mary na nakapatong sa isang brown na lamesa kasama ang iba pang santo. Napakamot ng ulo si Raquel dahil may nakapatong sa ulo ng bust. Mayroon itong suot na sumbrero ng guwardiya. Hindi siya maaring magkamali, wala iyon kanina.

Agad niyang tinaggal ang sumbrero ngunit napahiyaw na lamang siya ng nagsimulang tumulo ang dugo sa nasabing bust nang inalis niya ang sumbrero. Mula sa tuktok ng ulo ay dumaloy ito sa mukha.

Nagtatakbo siya palabas ng library kasunod si Christopher na halatang nagtataka sa ikinilos ng kanyang kasintahan.


Last edited by Neal Ocampo on Sat Dec 21, 2013 4:21 am; edited 5 times in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Wed Oct 16, 2013 12:04 pm

Chapter V

STRANGE MESSAGE


Umaambon ambon sa labas ngunit sumisilip naman ng kaunti ang araw na minsan ay nagpapaalala kay Kuya Kevin na may ikinakasal daw na Tikbalang ayon sa aming Lola. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng bahay nila Raquel habang nakikinig siya sa kuwento nito.

"Maniwala kayo! Totoo! May dugo akong nakita sa ulo ni Mama Mary!" Pasigaw na sabi ni Raquel sa kasintahan at sa kanyang kaibigan.

Napalingon na si Kuya Kevin sa dalawa at napakamot ng ulo habang si Chris naman ay umihip sa kape sabay tungga ng kaunti at saka hithit ng sigarilyo habang hinihimas ang balikat ni Raquel.

"Wala naman ako nakita Babe! Pati kaya sila Ms. Uy, wala." Naka kunot noong sabi ni Chris habang nakaakbay na kay Raquel. "Guni, guni mo lang yun bhe." Pagpapatuloy nito.

"Paano kung hindi?" Hirit naman ni Kuya Kevin sa dalawa.

Tumigil ang dalawa at napatingin sa kanya.

"Ano na naman yan Kevin?!" Nakasimangot na tanong ni Chris na kasalukuyang kumuha ng throw pillow para sana ibato kay Kevin ngunit parang nabasa na siya ni Raquel at hinarang nito ang kamay.

"Bakit puwede naman kasing..."

"Hep, hep... Tama na ang pagiging masyadong imaginative mo dude, hindi makakatulong yan. Lalo mo pang tinatakot si Raquel eh!" Sambit ni Chris sa mataas niyang boses.

Totoo naman si Christopher sa sinabi niyang too imaginative si insan. Nakakatawa nga minsan kung paano tumakbo ang imahinasyon ni Kuya Kevin dahil humaharurot talaga ito. Lagi nga siyang binibiro ni Chris at ni Mike na gumawa na lang ng nobela para maisakatuparan ang laman ng utak nito.

Samantala, sa di kalayuan ay may batang kumakaripas ng takbo na sumusuong sa papalakas na ulan, dumidilim na din dahil sa itim na ulap. Natigilan bigla si Kuya Kevin, naalala kasi niya iyong batang nakasiksik sa likod ng sofa ng library. Kinilabutan siya bigla.

Tumingin siya sa kanyang dalawang kaibigan, nais niya sanang sabihin ang nakita niya sa library pero tiyak na baka buntalin na siya ni Chris kung ipapaalam niya pa sa kanila ang nakakatakot na encounter niya dun.

" Ate Raquel, iyong laptop... Buti na alang malapit na ako sa bahay nung lumakas itong ulan." Pambungad na sabi nito habang nagpa-pagpag ng tsinelas.

"Siguraduhin mong tuyo ang tsinelas mo, ayoko ng maputik sa loob." Sabi ni Raquel na ngayon ay nakasandal na sa dibdib ni Chris habang hawak ang kamay nito.

"Uy, ano ginagawa dito ni boyfriend at ni bestfriend?" Urirat nito na nginitian lamang ni Kuya Kevin at ni Chris.

"Wala kang paki!" Sigaw ni Raquel sa kapatid.

Naroon pa rin ang isip ni Kuya sa nakita niyang bata. Isa kasi sa paraan ni Kuya para maibsan ang nadaramang takot ay isini-share niya ang mga karanasan niya. Hindi ko sure kung bakit basta raw ganun siya. Ang kaso ang problema kay Kuya ay exaggerated siya magkuwento siya. Kumpleto, pati action, facial expressions at sound effects, madalas tuloy napagsasabihan ng mga taga-pakinig niya na para daw siyang sabog sa marijuana habang nagsasalaysay.

Minabuti ni Chris na manuod na lang sila ng comedy film para mawala ang takot na nadarama ni Raquel. Pumayag naman ang dalawa at silay naupo sa sahig at nagsalang naman ng DVD si Chris.

Mabilis na nakalimutan pansamantala ni Kuya ang katatakutan sa silid aklatan ngunit si Raquel pala ay nangangamba pa rin at parang ayaw nang pumunta muli sa library lalo na kung mag-isa dahil wala na siyang balak pangalawahan pa ang nakakatakot niyang experience dun, pero sabi nga hindi ba ng mga matatanda "matakot ka sa buhay, huwag sa patay." Mas nakakarimarim naman talaga ang imahen kapag iisipin mo ang mga nangyayari sa katotohanan, katulad na lamang nitong napapabalitang sindikato na nagnanakaw ng laman loob ng mga bata at ibinibenta para raw gawing betsin, katulad lang din noong may nasaksak sa tapat mismo ng bahay nila Raquel dahil ayaw ibigay ng bata ang brickgame niya at iyong biglaang pagpapatiwakal ng kakilala niya na tumalon sa mataas na billboard.

At iyong nakakatakot na karanasang sinapit ng boyfriend niyang si Chris, two years ago nang may may sumemplang na motorsiklo at humagis ito papalapit sa kanya habang siya rin ay nagmomotor. Buti na lamang at napatalon siya sa motor niya at napalitan lamang ng bakal ang kaliwang paa niya dahil kung hindi ay baka natamaan siya ng umiikot na gulong at nakayod ang mukha niya.

Mas nakakapangilabot talaga ang maaring gawin ng reality kumpara sa fiction. Walang mga multo at maligno, ganito ang sumisigaw sa isip ni Raquel hanggang kinabukasan sa pagpasok niya sa School.

"Hindi naman ako kayang patayin ng mga nagpaparamdam na yan." Iyon ang isa pa niyang pinagdidiinan na itatak sa isip niya habang nagbubura siya ng blackboard.

Ilang minuto na lang at darating na ang kanyang mga kaklase at magsisimula na ang kanilang first subject. Si Raquel kasi ang taga-ayos ng classroom araw araw dahil nauuna siyang pumasok. Wala naman nagutos sa kanya nito. Talagang may sariling palo lang siya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-aarrange ng mga silya nang biglang may kumalabit sa kanya. Paglingon niya ay may bata na nasa edad anim ang nakatingin sa kanya.

Hindi kaagad nakaimik si Raquel. Maya maya pa ay gumalaw ang labi ng bata na para bang may nais sabihin sa kanya, biglang bumagal ang paligid niya, hindi niya ito naiintidihan dahil nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante sa Laboratory na katabing kuwarto lang nila. Maingay, mainit ang kanyang pakiramdam dahil hindi pa niya nabubuksan ang ceiling fan, parang nalilito si Raquel sa halong ingay at pagtataka sa batang nakatitig sa kanya. Tumahimik bahagya at sinubukan niyang intindihin ang sinasabi ng bata.

"Sino ka ba?" Mahinang tanong ni Raquel.

Tinikom ng bata ang bibig at hindi ito sumagot bagkus ay itinuturo ng kaniyang mga mata ang blackboard sa likod ni Raquel. Dahang dahang tumingin si Rauqel sa blackboard at nanlaki ang mga mata niya sa nakitang maliliit na footsteps na lumalakad sa pisara.

Kitang kita niya kung papaano nagkakaroon ng basang bakas ng paa ang pisara. Parang may invisible na manikang naglalakad sa board. Hindi na nakagalaw pa si Raquel, naguguluhan siya sa nasasaksihan. Hindi niya maipaliwanang kung bakit may mga footsteps na naiiwan sa blackboard kung gayung wala naman siyang nakikita na kahit ano. Hindi niya maarok kung bakit niya nararanasan ito.

Ilang saglit pa ay dumating na si Christopher kasama ang mga kaklase. Naabutan nilang nakatulala si Raquel habang nakatitig sa blackboard at bumubulong bulong. Nag-panic naman ang buong klase nang makita ang mga footsteps sa pisara na may pormang nilikha. Bumuo itong ng mga letrang T-U-L-O-N-G.

Pilit na pinapatayo nila si Raquel ngunit ayaw nito at tipong mangangagat kapag sinsubukang buhatin ng mga lalake.

Hindi alam ni Kuya Kevin kung papaano nila na nakuhang patayuin si Raquel. Pero matapos ang pangyayari ay hindi na rin nakapasok pa si Raquel sa eskuwelahan dahil bumagsak siya sa Mental Hospital. Maraming kuwento ang nakarating kay Kuya na nakakatakot daw ang naging behavior ni Raquel. Nawala ito sa katinuan. Speculation nga ni Kuya ay marahil ay hindi lamang iyon ang nakita ni Raquel sa classroom baka may mas nakakakilabot pang scenario ang nawitness niya.


Last edited by Neal Ocampo on Sat Dec 21, 2013 4:35 am; edited 2 times in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Fri Oct 18, 2013 4:18 pm

Chapter VI

FREAK ACCIDENT

Dinaig ng matinding takot sa sarili si Michael. Ang takot na baka pati siya ay nabuksan na rin sa mga entities. Ayaw niyang matulad sa nangyari kay Raquel. Mugtong mugto na ang mga mata niya sa pag-iyak.

Recently kasi ay may mga kung anu anong karanasan na siyang hindi maipaliwanag. Ayaw niya magkuwento kung kani kanino lalo na sa mga bago niyang barkada dahil tiyak aalaskahin lang siya ng mga iyon. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit sa School lang naman siya nakakaranas ng mga ganun.

Nakakapanindig balahibo ang nakakapangilabot na tagpo kanina sa C.R. Hindi iyon maipaliwanag mismo ni Mike na siya lang ang tanging saksi. Paano niya maipapaliwanag na lumawa ng dugo sa buong banyo at may bagay na biglang lumutang sa kanyang harapan.

"Mike, kanina ka pa hinahanap ni Ms. Dominguez, kailangan ka raw." Sabi ng kanyang kaklase na nagmamadaling pumasok sa C.R.

Agad na nilisan ni Mike ang silid at pumunta sa store room.

"Ma'am hanap niyo raw ako?" Tanong ni Mike.

"Oo Mike, pabuhat naman ako nitong mga lumang libro, pakitulungan naman sila." Pakiusap ng guro.

Binuhat ni Mike ang mga libro at pumunta sa bodega kung saan doon nakalagak ang mga lumang lockers, silya, lamesa, ceiling fans at iba pang school furniture. Magulo ang mga nakatambak na kagamitan.

Paglapag ni Mike ng mga lumang textbook ay napansin niya sa gilid ng kanyang kaliwang mata kung saan nakaupo ang kanilang guro na parang may nakatitig sa kanya. Habang nakikinig siya sa pag-uusap ni Ms. Domiguez at ng isang janitor ay hindi na maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang dahil pakiramdam niya may kung anong pagkaasiwa ang bumabalot sa kanyang katawan noong mga oras na iyon.

Hanggang sa hindi na siya nakatiis, dahan dahan niyang nilingon ang babae sa kanyang kaliwa at nakakakilabot ang kanyang nakita. May hawak itong sanggol habang nakatitig ito sa kanya. Kahit kurap ay hindi nito ginagalaw ang mga mata. Parang sasabog ang dibdib ni Mike ng mga oras na iyon. Hinabol niya ang kanyang hininga at tayong tayo ang kanyang mga balahibo.

"Mah, ma'am... Ma, may..." Nabubulol na bigkas ni Mike pero hindi niya magawang sabihin ang gusto niyang iparating. Parang gusto niyang magsumbong kay Ms.Dominguez na siya namang walang alam sa nangyayri sa kanya at tuloy pa rin sa pagkukuwento.

Dahan-dahang tumayo ang babae, karga ang anak na dahan-dahang din lumilingon sa kanya. Hindi inaalis ng babae ang pagkakatitig nito sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya rin naman maalis ang kanyang mata sa pagkakatingin sa babae. Marahil ay inaabangan niya rin kung ano ang mga susunod na gagawin ng babaeng nagpapasuso kaya't ayaw niya ring alisin ito sa kanyang paningin.

Dumaan sa harapan ng janitor at ng guro ang babae at dahan dahan na umikot sa stockroom palabas, hanggang sa huling sandali ay nakatitig pa rin ang mga mata ng babae kay Mike.

Pagdating sa may pintuan ng ay bigla na lang itong naglaho.

"Hoy Mike! Bat parang natulala ka na dyan?" Tanong ng isang estudyante sabay tapik sa balikat.

"Ma'am bakit ganun makatitig yung babae na katabi niyo kanina diyan?" Tanong naman ni Mike. "Parang nakakatakot yung kilos niya eh." Dugtong pa nito.

"Babae? Sinong babae?" Usisa ni Ms.Dominguez

"Yung babaeng nagpapasuso ng anak... kakalis nga lang eh" Sabi ni Michael na nakataas na ang kilay.

"Huh?! Ako lang ang babae dito." Gulat na sagot naman ng guro.

Agad na bumalikwas ang dalawa at nagtungo sa labas kung saan huling nakita ni Mike yung babae pero wala naman silang nakitang tao doon. Tapos na ang klase at medyo madilim sa labas. Nagkatinginan naman ang ibang estudyante.

Gusto na sanang magpaalam ni Mike dahil sa takot pero pinigilan muna siyang umalis ni Ms. Dominguez. Lumabas muna siya ng kuwarto para magpalamig. Maya maya pa ay may nakita siyang guwardiya sa gate ng school na parang kumaway sa kanya. Sa pag-aakalang siya ang tinatawag ay agad niyang tinakbo ang guwardiya. Nang marating ang gate ay hindi niya natagpuan ang taong kumaway sa kanya.

Lumabas siya ng gate at sinubukang hanapin ang guard. Sa hindi kalayuan sa kinaroroonan niya ay may narinig siyang sigawan ng mga taong nagkakagulo. Nakarinig siya ng malakas na preno ng isang sasakyan at tunog ng banggaan. At nang mapako ang kanyang pansin sa may bandang construction site sa tapat ng kanilang school ay may L300 na pick-up van ang napunta sa malabundok na buhangin. Tila paakyat ito sa burol dahil nakatapat ang headlights nito sa itaas. Habang sa likuran nito ay may Mitsubishi na yupi ang pintuan at basag ang mga salamin ng bintana.

Na-recognize kaagad ni Mike ang kotse. Kilala niya kung kanino ito.

Galit na lumabas ang tatay ni Christopher at hinala palabas ang driver ng van at pinagtatadyakan. Ilang segundo lang ay lumabas din si Chris na nakasuot pa rin ng uniporme para sana awatin ang ama. Dumaan ito sa tapat ng pinto ng L300 na animoy nakatingala sa kalangitan.

Ngunit ilang iglap lang ay bumigay ang pintuan ng van at nag-slide ang mga basag na glass panes sa loob patungo kay Chris. Tumakbo siya paalis ngunit nahagip pa rin ang paa nito. Napakabilis ng mga pangyayari. Tumama ang matalim na bubog sa binti ni Chris at patuloy na ngang na-slice ng basag na salamin ang kanyang binti. Natumba siya sanhi ng pagkaputol ng kanyang binti at napuruhan ang kanyang katawan ng napakaraming bubog dahil sa mga nabasag na salamin. Mabilis ang pagtibok ng puso ni Chris. Para siyang mauubusan ng hininga. Kaakibat nito ang patuloy na pagbuhos ng mapulang dugo sa semento. Hiyawan nanaman ang mga taong nasa paligid habang sindak na sindak si Mike.

Tatakbuhin na sana ni Mike ang dating kaibigan upang tulungan ngunit nakita niya ang guwardiyang tumawag sa kanya sa likuran ni Chris na ngayon napagtanto niyang isang aparisyon. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin na lamang ang naglulupasay na kaibigan. Nagkalat ang dugo nito sa semento.

Nagpuntahan naman ang mga kalalakihan kay Chris upang ito ay buhatin at tuluyan na ngang natakpan ng mga tao ang guwardiya. Urong sulong naman si Mike na tignan at tulungan si Christopher na nasa bingit ng kapahamakan.

Pinara ng ama ni Christopher ang isang taxi cab. Kahit hindi masyadong naintindihan ni Mike ang pinagtatalunan ay nakapagkonkulsyon siya na maaring tinatanggihan silang isakay ng driver dahil sa kalagayan ni Chris at tiyak na magkakalat ng dugo sa loob ng sasakyan.

Pero maya maya pa ay ipinasok na rin sa loob ang nanghihinang si Chris at humarurot ang taxi na para bang isang race car.

Namumutla si Mike na napaupo sa waiting shed ng School. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa upang sana ay tatawagan niya si Kuya Kevin ngunit nagdalawang isip siya at hindi na itinuloy ang balak.

Sa hindi rin malamang dahilan ay nanangis ng iyak itong si Mike. Tuluyan itong tumagas sa kanyang labi hanggang sa mga luhang iyon ay pumatak sa lupa at napansin niyang dugo ang pumatak dito.

Napatayo siya at napasilip sa side view mirror ng nakaparadang tricycle. Wala namang dugo ang mukha niya. Marahil nagdedelusyon na siya dahil sa mga nakita niya ngayong araw na ito.

Dahil sa kalunos lunos na nangyari kay Christopher ay hindi na ito nakapasok pa sa School. Hindi na ito muling nakalakad pa. Bakal na ang isa nitong paa at ngayon naman ay naputol pa ang isa.


Last edited by Neal Ocampo on Sat Dec 21, 2013 4:15 am; edited 3 times in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Sat Oct 26, 2013 5:47 am

Chapter VII

SURPRISE VISIT

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ikinukwento ni Michael ang nararanasan niyang mga katatakutan kahit kanino. Kahit kay Kuya Kevin na siyang tanging taong paniniwalaan siya.

Ayaw niya kasing ipaalam na binubulabog din siya ng mga multo. Gusto niyang patunayan na ang paglayo sa mga dating kaibigan ang solusyon para layuan din siya ng mga masasamang espirito.

"Kumusta na siya?"

"Ayon, ayos lang naman siya. Nakakausap namin nang normal sa mga partikular na mga araw, pero madalas... haaayyy... napakahirap niyang pakalmahin. Naiisip ko na rin na baka habangbuhay na siyang ganito, eh." Naglakad si Kuya Kevin, Mike at ang Mama ni Raquel sa labas ng silid, ngunit hindi nila tinanggal ang kanilang pagmamasid sa kaibigan na nakikita nila sa salaming bintana.

Magpipitong buwan ng nananatili si Raquel sa intitusyong ito, at kahit na sinasabi ng mga specialist medyo umayos na ang kondisyon niya mula nang siya'y unang dinala dito ay talagang wala na siyang pag-asa. Wala nang pag-asang mabuhay nang normal. Nang malaya. Nang payapa.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit nangyari sa kanya ito." Sabi ng ina ni Raquel na tuluyan ng humagulgol at napakapit sa pader na parang bibigay. Agad naman siyang inalalayan ni Kuya Kevin atsaka tumigin kay Michael na para bang nakukunsensiya.

"Sorry po Tita. Sorry po." Sambit ni Kuya Kevin na naluluha na rin.

"Wala naman kayong kasalanan eh." Sabi ng mama ni Raquel na nagpupunas na ng luha at pinokus ang kanyang paninigin sa loob ng silid.

"Ahhmm, Tita..." Sambit ni Kuya sabay napabuntung-hininga.

"Tara nah! Kain na tayo!" Malakas na sambit ng Mama ni Raquel na nagpunas ng laho gamit ang puting panyo. Nagulat si Kuya sa biglang pagbabago ng usapan.

Hindi rin nagtagal ay nakaalis na sina Kuya, at tanging ang nurse na lamang ang nakatayo sa labas ng silid. Sa kabila ng lahat nang iyon, nanatiling tahimik si Raquel. Tulala. Parang walang tulog. Maya maya pa ay umuuga siya nang dahan-dahan, habang yakap ang dalawang tuhod. Inuuga niya ang kanyang sarili ngunit hindi natutumba. Naroon lamang siya, nakatingin sa isang sulok ng kuwarto na wala namang laman.

***

"Kev, sama ka sa amin. Mag-iinuman kami ng mga barkada ko mamaya? Wala lang. Ako manlilibre," Agad na talak ni Michael habang naglalakad sila sa isang madilim na kalye.

"Ayos!" Biglang umingay ang kalsadang kanilang nilalakaran at nagsigawan ang mga binata.

Napatingin sa likod si Kuya Kevin. Nadiyan na pala ang mga bagong barkada ni Michael, ready nang tumoma. Tinignan niya si Mike at ngumiti. "Tapos ano sunod? Manggugulo nanaman kayo?" Tanong ni Kuya.

"May problema ka ba?" Tanong ng isang kaibigan ni Mike na lumapit pa kay Kuya Kevin.

"Oo. Kayo!!!" Biglang tumaas ang tensyon sa buong paligid. Akma nang susugurin ng kaibigan ni Mike si Kuya, nang siya'y pinigilan ni Michael. Tinanggal ng barkada ni Mike ang kanyang mga braso mula sa kapit ng kamay ni Michael. Humupa ng konti ang tensyon.

"Sa susunod, alamin mo kung sino kausap mo!" Sigaw ng barakda, habang dinuduro si Kuya.

***

"Tagay pa, ang hina niyo naman oh!!! Hindi ako mauubusan ng pera! Kuha pa kayo ng isang case!" Si Michael na siguro ang matataguriang pinaka mayabang na lasing. Sa loob ng limang minuto, siguro ay mga sampu o higit pang pagyayabang ang narinig mula sa kanya.

"Tae, may Red Horse pa ba diyan?!!!" Ganito ang daloy ng inuman ng magbabarkada. Magulo, puro payabangan, murahan. Pero hindi makakaila na masaya sila.

"Hoy! Sigurado ba kayong walang dadaang teacher dito?! O baka sila sisters dito dumaraan." Tanong ng isa pang lasing na lalaki sa kaibigan na may ari ng bahay. Malapit kasi sila sa School, halos kapit-bahay lang ng isang barkada.

"Teka, jijingle lang ako!" Mabalis na tumayo si Mike mula sa kanyang upuan at patumpik-tumpik na tumungo sa malapit na pader ng kanilang School.

Habang umiihi siya ay napatingin siya pahilaga, kung nasaan naroon ang mga bituin. Ngunit hindi bituin ang sumalubong sa kanya. Isang maliit na paang nakalutang. Dahil sa kalasingan ay sinuri pa ng maagi ni Michael ang nakita niya. At maya maya pa ay nakita niya ang isang batang nakabitay sa isang puno sa loob ng eskuwelahan.

Kasabay nang pagsigaw ni Michael sa iisang sandali, napukaw ang atensyon ng mga lalaking nag-iinuman. Agad tumayo ang may ari ng bahay mula sa kanyang kinauupuan at lumapit papunta sa lugar kung saan niya narinig na may sumigaw. Sa hindi kalayuan ay sumunod ang iba pang kalalakihan. Patuloy ang kanilang paglakad nang bigla nalang tumigil ang isa sa kanila. Nandilat ang kanyang mga mata, at namutawi sa kanyang bibig ang isang malutong na "Tang ina".

Nakita nila ang batang nakabitay, nakadilat ang mga mata nito. Halos bawat dako sa kanyang balat ay sugatan, may mga bubog. Pulang pula ang paligid, waring ang pader at semento noong una'y kulay gray ay agad napalitan ng kulay pula. Napaluhod sa semento ang isa pa nilang kaibigan, at maya-maya pa ay isinuka ang kanyang mga pinagkakain at pinag-iinom. Nanatiling nakatayo naman ang iba, ngunit halata naman na sa kaunting paggulat lamang ay maaaring masira ang mga kaluluwang nanatiling nakatindig. Nawala ang lahat ng kanilang mga kalasingan.

Hindi na kinaya ni Michael ang nasisilayan. Nagsisigaw at nagtatakbo siya kasunod ang mga kaibigan.

***

"Mga iho, wala kaming nakitang patay na nakabigti. Malamang gawa yan ng sobrang kalasingan niyo!"

Tahimik lang ang mga binata.

"High school pa kayong lahat di ba? Violation sa school niyo ang ginawa niyo." Sambit ng isang pulis.

Tahimik parin sila. Kahit maraming katanugan sa kanilang isipan, isa na nga dito ay kung bakit lahat sila ay pare-pareho ng hallucination, ang buong barkada ay nag-agree na baka nga ang sobrang kalasingan nila ang dahilan kaya sila nakakita ng ganun, maliban kay Michael na iniisip pa ring hindi likha ng kanilang imahinasyon ang nasaksihan.

Isang oras, naroon lamang sa prisinto si Michael. Naguguluhan. Nagagalit sa mundo. Naroon lang siya't nag-isip, hanggang sa siya'y nilamon ng pagkahimbing.

***

Tinitigan lamang ni Mike ang mukha ni Raquel. Ngumiti ang dalaga pabalik sa kanya. Maganda ang ngiti nito pero kinilabutan ang dalawa.

"Paano mo nalaman yun?" Tanong ni Michael. Parang flashback scenes sa isang pelikula ang naglaro sa isipan ni Mike nang nang isinalaysay ni Raquel ang nasaksihan. Naalala ni Michael ang lahat ng naganap noong gabing iyon. Muling naging sariwa ang mga pangyayari pilit niyang kinakalimutan sa utak niya na siyang nagpatayo ng mga balahibo nito sa buong katawan.

Napatingin naman si Kuya Kevin kay Mike. Akala kasi nito ay wala siyang nararanasan na kababalaghan. May itinatago pala itong si Michael.

"Si Ms. Paayong-ayong, pinaiwan niya ko sa School at nagpatulong siya mag-check ng mga test papers. Gabi na ako nakauwi at napadaan ako doon malapit sa bahay nila Marvin kung saan kayo nag-iinuman. Nakita kita na sumisigaw tapos napatingin ako sa puno. Wala naman akong nakitang bata." Tumigil muna si Raquel upang kunin ang unan at yakapin.

"Pero pagkatapos nun, isang linggo ang nakalipas sunod sunod na ang mga nagyari sa akin. Nakakatakot. Parang lahat sila'y bangungot hanggang sa pinunta nila ako dito kasi daw baliw na ako." Nakatitig si Raquel sa dalawa.

"Kamalasan ang dala nila. Iisa -isahin nila tayo! Di sila titigil!" Mahinang sabi ni Raquel habang niyuyugyug si Michael.

Kumatok ang isang nurse sa pintuan. "Kain daw po muna. Kami nalang muna bahala kay Raquel sabi ng Mama niya." Tumango si Kuya Kevin at si Michael.

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang Mama ni Raquel. "Kakain lang kami sandali. Dadalhan na rin kita ng pasalubong pagbalik ko," Nginitian niya ang anak niya, at hinawakan ang bumbunan nito.

Nang nakaalis ang ang mga bisita, nagsimulang ugain ni Raquel ang sarili ng dahan-dahan. Ilang sandali pa ay inilabas ni Raquel ang baso na kanyang itinago mula sa ilalim ng kanyang kumot. Hinawakan niya ito na parang ito'y isang sanggol, at kinausap. Nasanay na ang tagabantay na nurse sa ganitong asal ng pasyente, buti nalang ay hindi ito masyadong nagwawala.

***
Isang linggo na rin ang lumipas mula noong naaksidente si Chris.

Naiwang nag-iisa si Kuya Kevin habang nakatitig sa dati nilang room. Kinando na kasi ito mula noong may nakitang mga footsteps sa pisara at nawalan ng bait si Raquel.

Hindi lang lubusang maisip ni Kuya Kevin na sa isang Catholic School ay namamahay ang mga demonyo. Ironic. Marahil, hiyang hiyang na rin ang Simbahan kaya pinagbawalan silang sabihin ang mga pangyayaring nakakatakot na nasiksahan pero hindi nila mapipiligilan iyon. Kakalat at kakalat ito na parang apoy.

Ilang sandali pa ay napansin ni Kuya ang isang matandang janitor na nagma-mop ng sahig. Tumigin sa kanya ito at ngumiti.


Last edited by Neal Ocampo on Sat Dec 21, 2013 4:08 am; edited 1 time in total
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Neal Ocampo Sat Oct 26, 2013 5:53 am

Chapter VIII

A DIFFICULT INTERVIEW


"May hinihintay ka pa?" Tanong ng Janitor kay Kuya Kevin na kasalukuyang nakaupo at nakapormang parang si Ninoy Aquino sa limang daang piso.

"Wala na po. Aalis na po ako." Sabi ni Kuya Kevin, sabay tayo at ligpit ng mga libro at gamit na nakakalat sa desk niya.

Natawa ang matandang janitor, "Parang ang lalim ng iniisip natin ah. Ano yan babae?" Tanong niya habang nakasilip sa bukas na sliding window ng silid.

Umiling si Kuya Kevin habang patuloy ang pag-iimis. Nang matapos ay mabilis na naglakad si Kuya palabas ng room at sa pag-alis ni Kuya sa inuupuan ay napansin naman ng janitor ang desk niya na may naka-ukit na pangalan.

"Kristina Moreno" Bigkas ng janitor sa nakaukit sa kahoy na upuan. "Ala mo bang iyan iyong valedictorian noong 1970... Nakalimutan ko na iyong saktong taon, pero valedictorian iyan noong 70's. Hehehe... Close ko iyan eh. Mabait na bata yan, ngayon doktora na sa Spain." Salaysay ng matanda habang nakatitig pa rin sa desk.

"Nandito pa rin pala itong upuan na ito. Hindi naitapon..." Patuloy niyang sabi.

Tumigil si Kuya Kevin nang marating ang kinatatayuan ng janitor at napatanong, "1970? Tagal na nun ah. Ilang taon na ba kayo dito nagtatrabaho sa School?"

"Ay 1960 pa!" Tugon ng Janitor na ngayon ay may dinudukot sa bulsa.

"Wow, Manong. Ang tagal na pala!!!" Sabi ni Kuya Kevin na nakahawak sa strap ng kanyang backpack. "Madami na pala kayong pinagdaanang principals at Mother Susperiors."

"Ay oo. Marami na rin akong pinagdaan. Hindi lang yan. Pati krimen at anomalaya ng Simbahan at School, napagdaanan ko rin." Sambit ni Manong Janitor sabay malakas na tawa na umecho sa tahimik at dimlight na corridor.

"Krimen?" Tanong ni Kuya Kevin.

Napatigil ang matanda sa paghagikgik. "Oo, pero matagal na 'yon. Huwag mo na alamin. Sige na umiwi ka na, gabi na. Baka pagsaraduhan ka ng School." Sabi ng janitor at tuluyan ng lumisan.

***

Sa silid ni Kuya Kevin, pinapahiran niya ng langis ang mga sugat sa kanyang paa. Kanina kasi ay hindi niya sinasadyang matabig ang baso sa lamesa, dahilan para mabubog siya.

Tumigil na sa pagdarugo ang talampakan niya. Napangiti siya. Buti na lang hindi naabutan ng Mama niya ang sugat kung hindi ay tiyak na nag-freak-out nanaman iyon. Takot kasi sa dugo ang Mama niya. Kahit simpleng gasgas at saluksok lang ata ay nanginginig na iyon.

Ngunit napalitan ng takot at pangamba ang mga ngiting iyon nang maalala ni Kuya ang sinabi kanina ng janitor. May krimen daw na nangyari sa School. Paano kung may nangyaring murder doon at iyong mga hindi matahimik na kaluluwa ng mga pinatay ang natawag nila noong silay nag-spirit of the glass. Paano niya magagawang patigilin sila.

***

"Pupuntahan sana kita sa Maintenance Room Manong Felix para sabihin sa iyo na may naghahanap sa iyong estudyante. Gusto ka raw niya makausuap." Sabi ng isang babaeng staff sa canteen ng School.

"Sino? Ano daw ang kailangan sa akin?" Tanong ng janitor.

Nagkibit balikat ang staff. Magkasabay na lumabas nang kusina ang staff at si Manong Felix. Kaagad ding natanawan ng matandang janitor si Kuya Kevin na naghihintay sa kanya. Kaagad din niya akong nilapitan.

"Bakit boy? Gusto mo daw ako makausap?"

Pilit ang pagngiti ni Kuya na binalingan ang staff na pinakiusapan niyang humanap at tumawag sa janitor. Ang staff naman ay lumayo para magkausap ng sarilinan ang dalawa.

"Anong itatanong mo sa akin?"

"Nung isang araw po, may nasabi po kayong krimen na nangyari dito, di ba? Gusto ko pong malaman ang tungkol doon. Huwag niyo pong isipin na tsismoso ako or what pero kailangan ko pong malaman." Seryoso nitong tanong sa kanya.

Hindi kaagad nakaimik si Mang Felix. Hindi rin kasi niya inaasahan na iyon ang pakay ni Kuya Kevin. Bakit siya tinatanong ng estudyanteng ito tungkol sa nangyaring krimen dito sa paaralan. Anong nalalaman nito tungkol doon?

"May pinatay po ba dito? Marami sila?"

"Bakit mo iyan tinatanong sa akin? Anong alam mo dun?"

Si Kuya Kevin naman ang walang maisagot sa kausap na matanda. Paano sasabihin ni Kuya ang mga nararanasan niya at ng kanyang mga kaibigan na pagmumulto sa campus.

"Manong, sige na! Pinaglalaruan kami ng mga espiritong nandito sa School. Siguro naman nabalitaan niyo iyong nangyari kay Raquel. Iyong nangyari kay Chris at kay Marc. Lahat sila napaglaruan ng mga espirito dahil hindi namin sinasadyang natawag sila. Alam kong may pinatay or namatay dito at naniniwala akong may alam kayo! Manong, please... Ano po bang nangyari dito? Bakit di sila matahimik!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo boy, bumalik ka sa klase mo. Wala ka bang klase?"

"Manong?"

"Wala akong sasabihin sa'yo dahil kung anuman ang nangyari noon ay tapos na at dapat nang kailmutan. Aalis na ako, may trabaho pa ako." Mahinahon pa rin niyang tugon kay Kuya Kevin.

"Nandito ako para humingi ng tulong. Gulong-gulo na kasi ako eh."

Nagmatigas ang matandang janitor na hindi magsalita tungkol sa sensitibong pangyayaring iyon. May pagdududa kasi siya kay Kuya Kevin na mayroon din sigurong ibang pakay. Hindi rin naman makakapayag ang matanda na mapahamak ang sarili. Baka ang pagtatanong ni Kuya Kevin ay galing lamang sa mga pari at sinusubukan kong puputak siya o hindi. Trabaho kasi ang nakasalalay dito.

Iiling -iling si Kuya na lumabas ng canteen. Sinundan na lamang ng tanaw ng janitor ang paalis ng si Kuya Kevin. Natanawan pa niya itong kinausap ang staff, saka nagpatuloy sa paglakad papunta sa hagdanan.

***

Isang buwan ang nakalipas matapos ang confrontation ni Kuya at ni Manong Felix, malapit nang matapos ang School Year pero hanggang ngayon ay nanatili pa ring pala-isipan kay Kuya Kevin at Michael ang mga hiwagang kanilang nararanasan.

Nag-aayos ng buhok si Kuya sa harap ng salamin ng C.R.. Nang matapos ay lilisanin niya na sana ang lugar nang may nakita siyang tao sa salamin. Kaagad niya itong binalikan ng napaatras ng makita iyon.

Ang inang nagpasuso ng anak ang nasa loob ng salamin. Bumubuka ang bibig nito ngunit wala siyang marinig. Malungkot itong nakikipaugsap sa kanya.

Hindi makapaniwala si Kuya. Tinangka niya pang hawakan ang salamin na iyon.

Ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto at pumasok sa loob ang tatlong Senior students upang umihi. Nawala ang aparisyon sa salamin.
Neal Ocampo
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 31
Location : Behind You!

https://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Ouija Board Empty Re: Ouija Board

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum