The Lady in Black

View previous topic View next topic Go down

The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:16 am


Chapter I

HORROR LIFT


Itong story na ito ay na-experience ng Uncle ko noong 2003. Nagtatrabaho siya bilang isang security guard sa isang Mall sa Makati at siya ay minsang na-assign sa Elevator para mag-operate nito.

First time niya maging Elevator Operator at hindi niya inaasahang makaka-experience siya ng something paranormal sa loob ng bago niyang working place.

Ang elevator na ito ay bihirang sakyan ng mga tao dahil ito ay nagsisilbing portal sa isang hotel na nakadikit mismo sa Mall.

4:50 P.M., bumakas ang pintuan ng elevator at pumasok ang dalawang babaeng nakapustora.

"Sir, sa fourth floor po," sambit ng isa. Agad namang sinunod ni Uncle ang request ng babae and within 6 seconds, narating nila ang nasabing palapag. Hindi pa nakakalabas sa elevator ang dalawang babae ay mayroong pasaherong nagmamadaling pumasok sa elevator at nakikiusap na ibaba siya sa Basement.

"Kuya, dali sa basement tayo...Please."

Pinindot ni Uncle ang "B" button sa Elevator at nang marating ang lower ground ay madali ring lumabas ang lalaki at walang paki alam na binangga ang mga nakasalubong.

Pumasok naman ang limang kalalakihan, na sa palagay ni Uncle ay mga college students based na rin sa suot nilang I.D. lace. Ngumiti at binati niya ang grupo ngunit napakunot siya ng noo ng mapansing may kasunod silang isang strange-looking lady na dahan-dahang pumunta sa likod ng grupo at tumayo sa corner ng compartment.

Tinitigan ni Uncle ang babae para sana makita ang mukha niya ngunit natatakpan ito ng itim na belo at dahil nasa dulo siya at naghaharutan ang mga magbabarkada ay hindi niya magawang kilatisin ang babae. Ang tanging nakikita niya ay nakayuko ang dilag na animoy hiyang hiya sa lakas ng tawanan ng mga kalalakihan na ume-echo sa loob ng elevator.

Isa sa mga binatilyo ang siyang nagpindot ng second floor button, "Kuya, pinindot ko na, para kasing ang lalim ng iniisip mo eh..." Sabi nito na parang nang-aasar.

Bumakas ang pinto ng elevator sa Second Floor at nagtakbuhan palabas ang barkada, kasunod nila ang babaeng nakaitim na slow motion ang pag-exit. Gusto sanang sundan ng tingin ni Uncle ang babae pero natakpan na ito ng mga pasahero na dumagsa papasok sa elevator. So not thinking anything was extraordinary, hinayaan na lang ni Uncle ang babae.

"Siguro aatend ng misa yon, linggo ngayon, may mass sa Glorietta 1." Bulong niya sa sarili as he shrugged his shoulders.

Naihatid na ni Uncle ang lahat ng pasahero nang umilaw ang floor number 2 sa taas ng pinto ng cab. Mabilis namang tumugon ang elevator at nagsimulang gumalaw ang pulley nito pababa. Pababa din nang pababa iyong mga numbers: 4, 3, 2...

At bumukas ang pintuan sa 2nd floor. Hinintay niyang may pumasok. Pero walang tao. Medyo nayamot si Uncle. Noong magsasara na iyong elevator ay nagbukas siya ulit. Parang nagha-hang nang half-open.

Pinindot ni Uncle iyong "close" button. Ngunit nagbukas ulit ito, hindi na nakatiis si Uncle, sumilip siya sa labas at napanganga na lang siya nang tumambad sa kanya, right before his eyes, iyong veiled black lady for the second time. Mas naging malinaw kay Uncle ang features ng babae, nakasuot ito ng itim na floral na saya, may itim na belo at may hawak itong itim na rosaryo na ang beads ay kasing lalaki ng mga jolens at may over-sized na cross sa dulo.

Paatras na naglakad si Uncle papasok sa Elevator habang naglalakad naman paabante ang babaeng nakaitim at sa likuran nito ay ang dalawang foreigner na tila hindi siya nakikita.

Iba na ang pakiramdam ni Uncle sa loob ng Elevator, kahit nakatalikod siya at nakaharap sa control panel ng elevator, he could still somehow sense na nakatingin sa kanya ang babae. Marahil alam ng babae na may nakakadama ng presence niya.

Itinuon na lang ni Uncle ang sarili sa pinag-uusapan ng magkasintahang foreigner na sumakay kasabay ang babaeng nakabelo. Pero nangingibabaw pa rin ang negatibong feeling na gumigimbala sa kanya, kahit na nakatingin siya sa dalawang pasahero niya, parang hindi naman niya naririnig ang conversation nila dahil dinidikta ng isip niya na may ibang nilalang na nagmamasid din sa kanya.

"Eavesdrop much?" Tanong ng babaeng foreigner sa kanya na napansin atang nakatitig si Uncle sa kanila. Hindi naman naintindihan kaagad ni Uncle ang sinabi ng foreigner kaya umiling na lang siya at pinilit na ngumisi.

Nang marating nila ang basement ay inirapan ng tisay na dalaga si Uncle at hinila niya ang kamay ng kanyang boyfriend paalis sa elevator. Hindi ito pinansin ni Uncle, dahil ang nakakuha ng atensyon niya ay ang galaw ng babaeng nakabelo.

Sa kanyang peripheral vision, nakita niyang hindi naglalakad ang babae pero gumagalaw patungo sa labas ng elevator. Huminto ito sa tapat nito at tumingin sa kanya, hindi nakagalaw si Uncle sa inuupaan niya, pumikit siya ng mariin.

Nang minulat niya ang mata niya, habang hawak parin ang "open" button sa control panel, wala na ang babae sa elevator. Dahan-dahan siyang sumilip sa bukas na pintuan. Nanlaki ang mata niya ng nakita niyang muli ang babae, nakatalikod ito sa kanya. Wala siyang paa. Nakalutang lamang ang itim nitong saya mga 2 feet mula sa gravel floor. Tila isa itong damit na tinatangay ng hangin papunta sa mga nakaparadang sasakyan sa basement.

Nalaglag si Uncle sa stool na inuupuan niya. Mabilis naman siyang nakatayo para pindutin ang "close button". Nagsara ang pintuan. Huminga siya ng malalim. Gusto niya nang lisanin ang elevator. Gusto niya nang umuwi. Parang bigla nalang bumaba ng labis labis ang temperatura sa loob ng elevator. Ngunit ganun pa man, pinagpapawisan siya.

Sinubukang kalmahin ni Uncle ang sarili pero naantala ito ng may naramdaman siya sa likod niya. May hangin na dumaan na siyang nagpatayo ng kanyang balahibo. Ramdam niya ang lamig ng hangin, dahil tumama ito sa pawisan niyang batok. Buong tapang niyang hinarap kung anung meron sa likod niya. Wala siyang nakita.

Maya maya pa ay bumakas ang pinto ng elevator, hindi pa pala siya nakaalis sa basement. Kahit takot ay agarang nilingon ni Uncle ang pinto. Sa awa ng Diyos, mga pasahero lang ang nakita niyang nakatayo, wala na ang babaeng nakaitim.

Ganun pa man, hindi pa rin kaagad nilubayan ng takot si Uncle, sa tuwing bumababa ang elevator sa basement, hanggat maari ay iniiwasan niyang tumingin sa labas. Hindi na ata maaalis ang multong iyon sa isip niya.


Last edited by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:19 am; edited 1 time in total
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:19 am


Chapter II

NIGHT TERROR


Nanghihinang lumabas si Uncle sa cab. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo niya sa loob ng elevator. Hindi naman na ulit nagpakita ang babaeng nakaitim pagkatapos nitong lumabas sa basement pero talagang ang tindi ng impact nito sa kanya. Hindi siya mapakali, feeling niya kasi ay may sumusunod sa kanya. Pero kahit na anong gawin niyang lingon at sulyap sa likod, wala naman siyang nakikitang bumubuntot.

Bawat tunog din na naririnig niya ay napapansin niya. Pati ang tunog na nagmumula sa sapatos niya habang tumatapak ito sa marmol na sahig ay nagpapaigting ng pagkabalisa niya. Iniiwasan niyang tumingin sa mga tao, to be more specific, sa mga babae kahit na binabati siya nitong mga ito.

Tingin niya sa sarili, paranoid na siya. Dahil dito, nagdesisyon na si Uncle na kakausapin niya ang OIC nila na ilipat siya ng ibang puwesto. Kahit saan basta huwag lang sa elevator.

Nang marating ang locker room, bigla siyang tinawag ng OIC nila, ngunit hindi pa nakakapagsalita ang boss niya ay humirit na kaagad itong si Uncle, "Sir, ilipat mo naman ako bukas. Nahihilo kasi ako sa Elevator. Kanina nga po muntik na akong masuka eh. Ibalik mo na lang ako sa Entrance ng Glorietta 2."

Napakunot ng noo ang OIC nila, napakamot sa kalbo nitong ulo at ilang sandali pa ay nagsalita rin. "Sige Ocampo, pero bukas pang gabi ang shift mo hah. Biglaan ka kasi eh, si SG Rosales na lang ang papalit sa iyo." Pagpayag nito.

"Pero sir..." Hirit ng isang guwardiya na kasalukuyang nag-aalis ng uniporme.

"Hayaan mo na, wala tayong magagawa. Hiluhin pala itong si Ocampo eh. Ala nga namang araw araw mong painumin ng Bonamine yan." Sambit ng kanilang OIC, sabay halakhak sa inaakala niyang nakakatawa niyang joke kay Uncle.

"Thanks OI ha, lakas ko talaga sa iyo,"

Dumating si Uncle sa bahay. Mabigat ang kanyang pakiramdam at namumutla. He's not certain pero pakiramdam niya ay lalagnatin siya. But Uncle was a positive guy, he didn't let the dis-ease get in his way. Kahit late na, nagawa niya pa ring makipag-kwentuhan sa mga pamangkin niya, makapag-foodtrip kasama pa rin ang mga pamangkin at makapanuod ng Lord of the Rings na tumagal ng almost 2 hours.

Pagod siya sa trabaho, dapat nga ay nagpapahinga na siya pero pinipilit niyang magpakasaya para malimot sandali ang katatakutan na na-experience niya sa trabaho.

Seven years na siyang guwardiya pero ngayon lang siya natakot pumasok sa trabaho, na para bang gusto niya nang mag-resign.

Matagal na rin siyang nakakakita at nakakaramdam ng multo. Marami rami na ring supernatural stories ang nabanggit sa amin ni Uncle kaya sa tingin namin he was a ghost magnet talaga. Maraming beses na kasi nangyari na may makakasalubong siyang weird-looking guys na nakatingin sa kanya, pagkatapos pag pinilit niyang i-spot ang nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa. Mayroon ding time na may makikita siyang silhouette ng batang nag-iingay at naglalaro na mistulang nagpapansin pero kapag susundan niya ito ay bigla na lang nagdi-disappear.

Pero sa lahat ng mga paranormal encounters niya, ito lang ang pagkakataong nakadama siya ng ganoong katinding takot. Sa tuwing naalala niya ang nakita niya sa Elevator, di niya maiwasang kilabutan.

Nang matapos ang pelikula, he asked his nieces and nephews to go to their rooms as he turned off the lights and finally decided to sleep.

"Jonathan!"

Biglang bumangon sa pagkakahiga si Uncle. Napaupo siya, hingal na hingal. Tila kagagaling niya lang sa isang isang marathon o sa isang mountain climbing. Sa pagkakatanda niya, minsan lang niya na-experience ang ganitong klaseng hingal, at ito ay noong umakyat sila ng Mt. Makiling noong siya ay Boy Scout pa.

Sumagi sa isip niya na marahil nasa kalagitnaan siya ng intense na panaginip pero wala naman siyang naaalalang napaginipan niya. Sa pagkakaalam niya, it was a peaceful and dreamless slumber.

Maya-maya pa ay may naalala siya. May narining siya. Isang di-pangkaraniwang tining na tumawag sa kanyang pangalan. At iyon ang nagpagising sa kanya. Pero papaanong mangyayaring may tatawag sa kanya, kung mag-isa lang siya sa kwarto niya at dis-oras na. Sumulyap si Uncle sa orasang nakadikit sa dingding, 03:03 A.M.

Tatayo na sana siya para uminom ng tubig nang biglang may humawak ng mariin sa balikat niya. Mabilis niyang tinignan ang kaliwa niyang balikat and to his great horror, napansin niya ang grayish na kamay na may mahahabang kuko. Hindi malaman ni Uncle kung anung dahilan, pero hindi niya magawang ilingon ang ulo niya para makita niya ang mukha ng kung sinuman ang nasa likod niya.

Diniinan ng kamay ang pagkakahawak sa balikat niya, dahilan para bumaon ang mga kuko nito sa tela ng t-shirt niya at maging sa balat ng balikat niya. Napasigaw si Uncle pero tinakpan ng gray na kamay ang bibig niya at muli siyang hinila nito pabalik sa kama.

"Aaaaah!!!" Sigaw ni Uncle.

Muli, ay napabangon siya sa pagkakahiga niya. Napaupo siya mula sa hinihigaan niya. Pawis na pawis at ang kanyang dibdib ay kumakabog. Patay ang ilaw. Wala siyang maaninag kundi ang kanyang T.V. screen na may konting reflection ng liwanag mula sa moonlight sa labas.

"Tang ina! Kanina multo ngayon naman bangungot! Minamaligno ata ako ah." Sambit ni Uncle sa kanyang sarili na napalakas ata dahil sinundan iyon ng katok at tanong mula sa kapatid niyang babae (Si Mama).

"Atan? Anong nangyayari sa iyo? Gising ka pa ba? May kasama ka ba diyan?

"Wala ate.Na, na... na... ginip lang ako" Pautal utal niyang sagot.

Hindi na ata maibabalik ni Uncle ang tulog niya matapos ang nangyari sa kanya. Nawala na rin kasi ang antok niya at ang isa pa baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag itinuloy niya ang tulog niya baka kasi matuloy rin kasi ang naudlot niyang bangungot. So for the rest of the night, he just lied there with his eyes open and his mind racing.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:30 am

Chapter III

GRAVEYARD SHIFT

Three days ago mula noong mind-blowing encounter ni Uncle sa buwisit na Black Lady with rosary na iyon. Mas mabuti na ang pakiramdam niya. Marahil ay talagang natakot lang siya ng todo noong araw na iyon kaya hanggang panaginip ay nadala niya ito.

Anyhow, as his OIC ordered, pang-gabi na si Uncle. Wala namang kaso sa kanya iyon. "Nocturnal" kaya ang tawag namin sa kanya. Mayroon siyang extra-ordinary ability na puwede siyang hindi matulog buong gabi. Para sa akin extra-ordinary iyon, dahil sa pagkakaalam ko, kuwago lang ang may kakayahang mag-stay all night. Ewan ko. Siguro that is how he was wired.

"Ocampo, saan ka?" Tunog ng radyo na siyang ikanagulat ni Uncle dahil sa vibration na nagmula sa nasabing instrumento.

"Palabas pa lang ng maintenance..." Sagot ni Uncle na kasalukuyang naglalagay ng matatabang batteries sa silver niyang flashlight.

Hindi na nakarecieve ng response si Uncle kaya lumabas na siya sa Maintenance Room at nagsimula nang mag-round. Sarado ang buong Mall, tahimik at dimlight. Habang naglalakad siya ay kinabit niya ang dalawang earphone sa magkabila niyang tenga at nagsimulang tumugtog ang mga lumang kanta sa kanyang walkman.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Uncle ng ikinuwento niya ito pero matapos daw ang kanta ng Bee Gees na "How Deep Is Your Love", ay sumunod naman ang kantang "Turn Around, Look At Me" which is kanta pa rin ng Bee Gees.

Uncle wanted to shrug away his negative thoughts na sumagi sa utak niya nang magsimula nang mag-play ang awitin. Ngunit mas tumindi pa ang naramdaman niyang kakaiba nang marinig niya ang lyrics na mistulang nakikipag-usap sa kanya;

"There is someone walking behind you
Turn around, look at me.
There is someone watching your footsteps
Turn around, look at me."

He was not sure kung ano ang nag-udyok sa kanya para tumingin sa likod. Dahan-dahang pumihit ang ulo niya para tignan what's really behind him ngunit wala naman siyang nakita. Natawa na lang siya sa sarili niya. Pailing-iling na kinausap ni Uncle ang sarili niya, "Tigilan mo na ang non-sense paranoia na ito, para ka nang baliw! Wala na iyong babaeng itim. Tatlong araw na ang nakakalipas."

Natapos ang nasabing kanta at napalitan naman ito ng isang awit mula KC and the Sunshine Band. Habang naglalakad ay may narinig siyang kaluskos galing sa isang saradong boutique. Mabilis na binuksan ni Uncle ang flashlight niya at itinapat sa salamin na pintuan ng boutique. Wala siyang nakita.

Maya maya pa ay may naaninag siya sa gilid ng mga mata niya. Sa left side, para bang may nakita siyang taong gumalaw na naka-black katabi ang mga mannequin. Dali daling itinapat ni Uncle ang flashlight sa kaliwang bahagi ng boutique. Wala na naman siyang nakita kung hindi isang itim na long sleeve polo na naka-hanger at nakadisplay. Tinitigan ni Uncle ang polo habang nakatutok ang flashlight dito. Trip niyang bilhin.

Nilapitan niya ito. Mga ilang beses niya ring pinaakyat panaog ang ilaw ng flashlight para kilatising maigi ang nasabing polo. At sa panglimang beses, napaatras siya sa nakita niya; sa magkabilang dulo kasi ng sleeves ng itim na polo ay may nakita siyang kamay, clenching its fists at parang nanginginig sa sa galit. Nagmukha tuloy itong nakasuot sa tao.

Kahit na alam ni Uncle na imposibleng magkaroon ng tao sa loob ng saradong boutique ay itinaas pa rin ni Uncle ang flashlight sa collar ng polo upang tiyakin kung may nakasuot nga pero ang tanging nakita niya ay ang hook ng hanger na nakasabit sa clothes rack.

Muli niyang ibinaba ang flashlight at dito na siya napatakbo nang makita niya ang baba ng polo shirt na may kadugtong ng mahabang itim na saya, pero walang paa.

Natuliro na si Uncle, nabitawan niya na pati flashlight niya. Kumaripas siya ng takbo at ginamit ang naka stop na escalator bilang hagdanan. Ilang sandali pa ay nakasalubong niya ang isa pang guwardiya.

"Pre? Bakit?" Nagtatakang tanong nito. Agad na pumireno si Uncle sa pagtakbo. Napatuwad siya na parang nasusuka, hawak ang kanyang dalawang tuhod at naghahabol ng hininga. Inakbayan ng guwardiya si Uncle, pilit na pinapaderetso ng tayo.

"Pre? May lagnat ka hah." Sambit nito nang mapunta ang kamay nito sa batok ni Uncle. "Ang init mo."

Pinapunta na siya ng kasamahan niya sa Locker Room upang dun magpahinga. Ayaw man ni Uncle, dahil duty niya pa ay nagpumilit ang dalawa niyang kasamahan at sila na raw ang bahala mag-explain sa OIC nila. Hindi na ikinuwento ni Uncle ang nakita niya sa Second Floor, dahil malamang hindi siya paniniwalaan ng mga iyon and most probably, iisipin nila na nagha-hallucinate lang siya dahil mataas ang lagnat niya.

3:15 A.M, bumangon si Uncle, direderetso papuntang labas ng Locker Room, tinawag siya ng kasamahan niya, ngunit hindi siya lumingon. Tumakbo ang kasamahan niya para habulin siya. Naabutan niya si Uncle ngunit hindi siya nagpaawat, patuloy pa rin ang paglalakad niya. Hindi alam ng kasamahan niya kung namamalikmata lang siya pero nakapikit si Uncle habang naglalakad.

Tinawag ng kasamahan niya ang isa pang guwardiya gamit ang radio at sinabi ang nasaksihan niya. Agad namang pumunta ang guwardiyang tinawagan kay Uncle, tumatakbo ito, lumundag at hinampas si Uncle sa batok dahilan para matumba sila pareho.

Unang nakatayo ang guwardiya, "Ocampo? Ok ka lang ba?" Tanong nito.

Nakahiga pa rin si Uncle, nakapikit ang mata, flat na flat sa floor at mistulang nakaspread eagle sa sahig. Tinawag ulit ng guwardiya ang pangalan niya. Nagmulat ng mga mata si Uncle, pulang pula ang mga ito. Mabilis siyang umupo na tipong bangon galing kabaong. Tumingin siya sa dalawa niyang kasamahan, ngumisi at humalakhak.

Nagtakbuhan papalayo ang dalawang guwardiya. Tumayo si Uncle at naglakad patungo sa direksyon ng mga kasamahan niya. Tumatawa pa rin habang binubunot ang baril nito.

"Ocampo, di magandang biro yan!" Sigaw ng isa.

Itinutok ni Uncle ang baril niya sa kanilang dalawa at doon na sa puntong iyon na naglakas loob ang isa na suntukin siya. Tumilapon si Uncle, naramdaman niya ang lakas ng pag untog niya sa sahig. Skull against cement. Bumalikwas si Uncle, kahit medyo nahihilo at nagtanong, "Pre bakit?"

Hindi kagad nakapagsalita ang dalawa. Tumigin si Uncle sa paligid. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng activity center ng Glorietta. "Paano ako napunta dito?" Tanong niya ulit, ngunit hindi pa rin nagsalita ang dalawa.

May itatanong pa sana siya, pero naantala ito nang maramdaman niyang may mainit na dumadaloy sa mukha niya, parang automatic namang gumalaw ang kanyang kamay para tukuyin kung ano ang dumadaloy sa pisngi niya. Tinignan niya ang palad niyang dumampi sa noo niya; may dugo.

Mga ilang oras ding tahimik ang tatlo, lahat sila ay nasa Entrance ng Glorietta 4. Hindi rin nakaitis ang dalawa, nagsimula silang magkuwento kay Uncle.

"Hindi mo talaga alam ang nangyari pre?"

"Hindi eh, ang natatandaan ako eh, nanaginip ako, may tumalon daw na itim na aso sa akin habang nakahiga ako dun sa bench sa locker room. Sinundan ko iyong itim na aso. Hanggang sa may nakita akong itim na parang rosaryo dun sa tapat ng pinto sa C.R. Lalapitan ko sana pero may humila ng chain nung rosary. Tapos iyon na... bigla ko nalang naramdaman yung suntok mo at iyong pagkauntog ko sa sahig." Kuwento ni Uncle habang inaayos niya ang pulang scarf na itinali niya paikot sa ulo niya upang pigilan ang dugo sa sugat niya.

"Pre, babarilin mo kami kanina?!" Galit na sabi ng isa.

"Pasensiya na. Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam nangyayari sa akin." Nakayukong sabi nito.

"Sa tingin ko pre dapat magpatingin ka sa albularyo. Kinukulam ka ata o di kaya minamaligno ka." Advice ng isa niyang kasamahan.

Tumango na lang si Uncle, nakatingin sa sahig. Malalim ang iniisip na para bang kailangan ng matinding contemplation ang sinabi ng kanyang kasamahan. Pero hindi iyon ang kanyang iniintindi, sinusubukan niyang alalahanin iyong rosary na nakita niya. Hindi siya pangkaraniwan, ang cross kasi na nakakabit ay parang dagger. Matulis sa dulo, at maaaring itarak at makamatay. Puwede nga siyang ihanay sa deadly weapon. Nagmukha lang itong rosary dahil sa itim na beads na nakakabit dito pero kapag titignan maigi, wala sigurong tao ang gagamit nito para magrosaryo.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:32 am

Chapter IV

FEARFUL DELUSIONS

Isang linggo nang absent si Uncle sa trabaho. Isang linggo na rin kasi siyang may trangkaso.

Kasalukuyang nagpapahinga si Uncle sa kanyang kuwarto nang magising ito dahil sa sobrang lamig ng temperatura. Nasa second floor ng bahay ang kuwarto ni Uncle. Medyo malaki ito para sa akin dahil nag-iisa lang naman siya dito. Minsan nagpapasama siya sa mga pamangkin niya kapag trip niyang may kakwentuhan o kabiruan, pero madalas kapag dumarating siya ay naaabutan niyang tulog na ang mga pamangkin niya.

Napaupo ito sa kanyang kama, at doon niya lang napansin na naiwanan niyang nakabukas ang bintana. Tumayo si Uncle upang isara ang bintana ngunit bago pa man niya mahilang pasarado ang bintana ay napansin niyang may isang babaeng nakaupo sa bubong ng kanilang bahay, hindi ito nakatingin sa kanya, pero dinig na dinig ni Uncle na umiiyak ang babae.

Sa puntong iyon ay hindi agad nakapagsalita si Uncle, alam niyang ito nanaman ang babaeng naka-itim. Gulong-gulong na si Uncle. Grabe na ang pagtataka sa isip niya at hindi niya maintindihan kung bakit siya sinusundan nito at binubulabog na tila ba ay may nais ipahiwatig.

Natakot na si Uncle. Dali dali niyang isinara ang bintana. Humiga siya at nagtalukbong.

"Gago ka! Kung sino ka man! Layuan mo na ako! Ayoko na!" Nanginginig na sabi Uncle.

Di nagtagal ay may biglang bumukas na pintuan. Hindi niya alam kung pintuan niya iyon o pintuan ng ibang kuwarto. Iisa kasi ang langitngit ng mga pinto sa bahay. Pansamantalang tumigil ang mundo ni Uncle, na tanging pagtibok na lamang ng kanyang puso ang kanyang naririnig.

Dahan-dahang inalis ni Uncle ang nakatalukbong na kumot. May mga taong nakasuot ng itim ang naglakad papasok sa kuwarto niya. Ang iba ay galing sa loob ng closet niya. Napakapayat ng mga taong ito. Magugulo ang buhok, pero hindi malinaw ang mga mukha.

Sa sobrang takot ay hindi na napigilan ni Uncle na sumigaw ng napakalakas at magsisipa.

Sa puntong iyon ay nagising kami. Ang araw ay hindi pa rin sumisikat at napakadilim pa rin sa buong bahay. Dali dali kaming pumunta sa kuwarto ni Uncle at naabutan namin itong bumubulong. Yakap, yakap niya ang dalwang tuhod. Pawis na pawis ito habang nagsasambit ng dasal.

Binuksan ni Mama ang ilaw sa kuwarto at inutusan akong kumuha ng tubig na akin namang sinunod kagad at dinala sa kuwarto.

Ngunit bago pa man mainom ni Uncle ang tubig ay nabitawan niya agad ito, dahilan para mahulog ang baso sa sahig at mabasag. Sa may paanan ng kama ay nakita niya muli ang babae na nakatayo.

"Umalis ka na dito!" Sigaw si Uncle.

Natapos ang gabi, sumikat si haring araw at lahat kami ay walang tulog. Ang buong pamilya ngayon ay pinag-uusapan kung ano na ang nangyayari kay Uncle. Dahil kami ay busy sa pagkukwentuhan ay hindi namin namalayan na wala na pala si Uncle sa kuwarto niya.

Nagpunta si Uncle sa simbahan.

"Father, ayoko na. Paano ko ba lalabanan ang demonyong ito." Mangiyakngiyak na sabi ni Uncle sa pari.

Hindi kaagad nakasagot ang pari.

Pero mga ilang sandali pa ay bumuka rin ang kanyang bibig, "Faith sa Kanya, anak. Iyan lang ang makakatalo sa mga demonyo." Mahinahong sagot ng pari.

Hindi umimik si Uncle. That answer was to be expected, ano pa nga ba ang aasahan niyang sagot mula sa mga kaparian.

"Father, bakit ako? Anong merun sa akin bakit ako ang pinaglalaruan ng mga demonyo?"

Huminga ng malalim ang pari. "Marami na akong taong nakausap at pareho ang tinatanong nila sa akin, bakit ako? Does God truly care about me? Maybe not... because if He does, then bakit niya hinahayaang mangyari ito sa akin?" The priest paused to clear his throat and he went on, "Anak, naniniwala ako na ito ay dahil sa ating actions."

Tumaas ang isang kilay ni Uncle, "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Kapag tayo ay nakakaranas ng mga ganito, we should check our actions. Maaring nakagawa tayo ng isang aksyon na nagpa-allow para magmanifest ang mga demonyo."

Napaisip si Uncle. My point si Father, para sa ibang tao kasi, napakahirap para sa kanila intindihin how their actions can influence troubles and sufferings, which sometimes damaged their life. Pero ang hindi nila nari-realize that suffering itself will help them figure out the reason for what’s really happening.

Therefore, kapag ipinagpatuloy nating i-justify ang mga erroneous actions natin, then it will get us nowhere. We just plant the seed for future curses. And whatever we do, it will always meet us.

"Pero ano ang nagawa ko? Nasaan ang mali?"

Ito ang paulit-ulit na pinagulong ni Uncle sa kanyang isipan hanggang sa makarating siya sa pinto ng kanyang kuwarto. Pinihit ni Uncle ang doorknob ng pinto ng kuwarto. Nagulat siya sa nakita niya; puro figurine ng angels ang nakapatong sa desk niya.

"Uncle si Mama naglagay niyan, para daw bantayan ka at di ka na bangungutin uli." Sabi ko.

"Dito ka matulog mamaya Neal hah, samahan mo ko." Sabi naman ni Uncle.

"Baka mahawa po ako sa inyo. Di ba may sakit kayo?" Sagot ko naman.

Hindi ko alam kung anung klaseng pagmamakaawa ang ginawa ni Uncle kay Mama. Ang alam ko lang, ilang beses ko rin narinig si Mama na nagtataas ng boses at sinasabing, "Hindi puwede, baka mahawa ang anak ko!" Nagulat na lang ako nang sinabi ni Mama na tabihan ko daw muna si Uncle sa pagtulog para mayroon siyang bantay.

Sumapit ang gabi. Katabi ko si Uncle sa kama niya. Pinatay na niya ang ilaw ng kuwarto niya. Hindi ko ineexpect na gagawin niyang patayin ang ilaw niya matapos ng mga encounters niya kay Black Lady. Niyakap ko na ang bolster ko at pumikit. Hindi ako makatulog. Aaminin ko, takot ako sa dilim noong bata pa ako. Sabi ng science, normal lang daw ito at naniniwala sila na ang possible na dahilan kaya maraming bata ang takot sa dilim ay dahil sa absence ng kanilang nanay, ayon kay Sigmund Freud.

Oo nga naman, nasan na nga ba si Mama?

Dahil dito, nagdesisyon akong maglaro muna ng Space Impact sa cellphone ni Uncle. Kinuha ko ang 3210 ni Uncle, pinindot ko ang keypad at nagilaw ang LED light nito.

Ginalaw ko ang kamay ko habang hawak ang cellphone niya at napahinto ako sa paggalaw ng makita ko ang mga figurine na angels. Namatay bigla ang ilaw ng cellphone. Pinindot ko ulit ang keypad ngunit ng muli itong magbukas, ay muntik kong maibato ang cellphone dahil sa gulat at takot ko nang makita ng dalawa kong mata na gumalaw ang mga ulo ng mga figurine na angels, tumingin sila sa akin at ngumiti.

Nagtalukbong kaagad ako, at niyugyog si Uncle sa tabi ko.

"Uncle! Buksan mo iying ilaw! Uncle, sige na. Please..." Paiyak kong utos kay Uncle. Mabilis namang tumayo si Uncle para buksan ang ilaw. Tinignan ko ang mga angels, wala namang nagbago sa posisyon nila. Tumingin ako kay Uncle at umiling.

"Ayoko nang matulog dito." Ang tanging sabi ko.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:34 am

Chapter V

THE OCCULTIST

Isang buwan nang may trangkaso si Uncle. Ibat-ibang doktor na ang pinuntahan namin at iba-iba rin ang kanilang sinasabing dahilan ng sakit ni Uncle.

Sabi ng pinsan nilang doktor na kapitbahay lang namin, maaring dulot lang ito ng mga pathogens, such as bacteria, microbes, at virus. Pero hindi ba may mga gamot sanang lalaban sa mga pathogens na iyan? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling si Uncle? Ilang bote at banig ng tablet at capsule na ba ang naka-display sa lamesa namin? Pero wala niisa doon ang nagpagaling sa kanya.

Iyong doktor naman na pinuntahan namin sa Makati Med, maari daw na psychological factors lang ang dahilan nito like stress, anxiety, or sleeplessness.

Iyong isang doktor naman na nirekomenda ng kaibigan ni Papa, he said that Uncle's illness is just in his mind. Or it could be idiopathic, or isang partikular na sakit which is true only for him but not for others. Ano daw?

Aminin na lang natin, hindi ma-recognized ang sakit ni Uncle medically and scientifically.

Dito na sa puntong ito nagdesisyon ang buong pamilya na dalhin si Uncle sa isang albularyo. So hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mama at si Lola. Kararating lang ni Lola mula sa aming probinsiya pero nang maibaba niya ang mga bagahe at maibagay ang mga pasalubong niya sa mga apo, ay dumeretso na kaagad sila sa isang albularyo who was residing at Pasay City. Siyempre dahil maka-nanay ako ay hindi ako pumayag magpaiwan, kasama ako nang dinala namin si Uncle sa albularyo.

"Bading! Bading?!" Sigaw ni Lola habang kumakatok sa brown na pinto na may nakasabit na bilog na parang amulet with geometric patterns.

Natawa ako sa narining ko at sabay tanong kay Mama, "Ma bakit Bading? Bakla po ba iyong gagamot kay Uncle?"

"Bading kasi palayaw niya. Salvador ang totoo niyang pangalan." Si Lola ang sumagot na patuloy pa ring kumakatok with her great dignity.

Before I could reply, bumukas ang pinto. A thin woman stood before us. "Pasok po." Ang sabi ng babae as she stepped aside. Nasa threshold pa lang ako ay parang ayaw ko nang tumuloy pumasok, may nakatitig ka sa aking lalaki. Nakaupo sa sahig na para bang wala sa katinuan at kahit anong oras ay puwede akong saktan.

"Sising, long time no see ah..." Bati ng isang matandang lalaki sa aking Lola. Napansin niya atang nakatingin ako sa lalaking nakaupo sa sahig habang mahigpit ang kapit ko sa blouse ni Mama. "Hehehe... pasok muna kayo, mukang natatakot si Pogi sa pasyente ko." Nakangiti niyang sabi. I passed the guy sitting on the floor closely enough para mapansin ko na ang kanyang mata ay lubog to the pinpoints of a drug addict.

Kami ay inihatid ng babaeng nagbukas ng pinto sa isang kuwartong punong puno ng libro. Isang malaking oriental carpet ang nakalatag sa sahig. At puro antigong kagamitan ang makikita sa loob ng silid. Parang nasa Museum tuloy kami.

Habang hinihintay namin si Mang Bading ay inusisa ko muna ang mga aklat na nakapalibot sa amin. May mga libro akong nakitang nakasulat sa ibang wika. At wala ni isa ata akong nakita na pamilyar sa akin. Tila ang mga nilalamang paksa ng mga ito ay tungkol sa mahika, panggagamot at herbalismo.

Luminga linga ako sa paligid. Hindi ito ang inaasahan kong makita bilang isang tahanan ng albularyo. Wala akong makitang imahe ng mga santo, walang altar, walang mga langis, palaspas, walis at tawas at kung anu anu pang paraphernalia ng isang albularyo. Sa pader nga ay may nakasabit na diploma na nagpapatibay na nakapagtapos si Manong Bading ng kursong Anthropology. Sa baba nung kwadro ay mga ibat-iba pang certificates. Lisensiyado siya para magpractice ng Reflexology, Aromatherapy at Holistic Healing. May mga Certificate of Attendance din siya na nagpapatunay na siya ay dumalo sa mga seminars tungkol sa Shamanism, Druidism at kung anu-ano pa.

So ang ibig sabihin, Mang Bading was not your typical albularyo. May pinag-aralan at may achievements.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo Sing?" Tanong ng isang mahinahong boses sa likod ko.

Tumingin muna si Lola kay Uncle na nakaidlip na ata sa mahabang sofa kakahintay. Kinalabit ni Mama si Uncle, agad naman siyang nagising at mga ilang minuto matapos ang kamustahan ay inilahad na ni Uncle ang mga nangyari sa kanya; mula noong sa Elevator, iyong panaginip niya kinagabihan at iyong muntik niyang mabaril ang mga kasamahan niya isang linggo na ang nakakalipas.

Bukod doon ay mayroon pang binunyag si Uncle. Noong una ay parang nahihiya pa siyang sabihin dahil tumingin muna siya kay Lola at kay Mama. Pero wala naman siyang choice.

"Manong, nagtataka din po ako kasi lumalaki po iyong..." Napahinto siya, huminga ng malalim at tumingin sa baba.

"Anong lumalaki? Iyang itlog mo?" Pabirong tanong ni Mama.

Tumango si Uncle at nanlaki naman ang mata ni Mama. Kitang kita sa kanya ang pagkagulat.

"Kailan pa yan?" Tanong naman ni Lola habang pinapaypayan ako.

"Simula nang lagnatin ako, napansin ko na to. Pinabayaan ko lang kasi ang akala ko..." Hindi na tinapos ni Uncle ang sentence niya dahil bigla niyang kinuha ang panyo niya at saka bumahing.

Sa puntong iyon ay muli ko nanaman narinig ang tinig ni Manong Bading, "Ayon sa mga alamat, may mga engkanto raw na dumudukot ng mga taong mortal. Ayon naman sa European legend, karaniwang pinapalitan ng mga engkanto ang mga dinudukot nila. Minsan nag-iiwan sila ng kahoy na may nakaukit na mukha ng tao, bulaklak at minsan ay maligno na tinatawag nilang changeling."

Napalunok ako. Hindi ko akalain na sa edad ni Manong Bading ay naniniwala pa rin siya sa fairy tales. Ngunit parang hindi lang ako ang nakaisip nito, parang si Uncle din. "Totoo ba yan?" Tanong ni Uncle.

Tumango si Mang Bading. "Ito ay kuwento lamang pero marami na akong karanasan sa mga engkanto at naniniwala akong dumudukot talaga sila, yun nga lang, hindi ko sigurado kung totoong pinapalitan nila ito."

"Bakit nila ginagawa iyon?" Muling tanong ni Uncle.

"Baka naman may nagawa ka sa kanila or na-offend mo sila. May na-violate kang law of nature. Sa una, mahirap intindihan kung ano ang kanilaman nila sa mga subsequent illnesses natin, pero unti-unti mapagtatanto mo rin ko ano ang nagawa mo. Once you realized it, make a peace offering for them and pray." Paliwanang ng albularyo habang pinupusan niya ang salamin nito sa mata.

"Pero paanong magiging engkanto yun? Eh may hawak siyang rosaryo?"

"Rosaryo?" Tanong ni Mang Bading na ngayoy nakasalamin na.

"Opo, parang rosary na itim... " Sagot ni Uncle na tinuldukan niya sa pagsinga sa panyo.

"Sa pagkakaalam ko iho, walang religious affiliation ang mga engkanto." Natatawang sabi nito. "Pero marami sa kanila ay may mga simbolo." Tumayo si Mang Bading at inurong ang upuan. Kinausap niya si Lola sandali at pagkatapos ay tinanong si Uncle kung handa ba siyang kausapin ang nilalang na gumugulo sa kanya para matukoy nila ang talagang pakay nito.

Kitang kita sa mukha ni Uncle ang pangamba. Hindi pa nga nagsasalita ang black lady sa kanya ay kakaibang takot na ang nararamdaman niya, ito pa kayang makipag-usap sa kanya. Ngunit narining ko ang assurance ni Mang Bading na aalalayan at gagabayan niya ito habang nakikipag-usap si Uncle sa black lady.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:35 am

Chapter VI

ROUGH BEASTS

Hindi muna pumayag si Uncle sa advice ni Mang Bading, natatakot siyang harapin si Black Lady. "Bahala na..." Iyon ang tanging narinig ko sa kanya nang tanungin siya ni Lola kung anung balak niyang gawin para mawala na ang kamalasang nararanasan niya.

Isang buwan at dalawang linggo na kasing may sakit si Uncle at hindi na talaga bumaba ang temperatura niya. Hindi na rin siya nakakatayo dahil sa paglaki ng bayag niya (Admins paki PM ako kung masyadong graphic ang term ko. Hehehe...) Lagi na lamang siyang nasa kuwarto kasama ang kanyang TV at DVD.

Naaawa na si Lola at ang mga iba pa niyang kapatid. Madalas kasi hindi siya nakikipag-usap. Kapag magsasalita naman ang nagiging topic lagi ay si Black Lady. Hindi na siya marunong ngumiti, tumawa at makipagbiruan. Mukha na rin siyang mas matanda sa edad niya.

Isang hapon, habang nasa kuwarto si Uncle ay may bigla na lang siyang naamoy. Ito ang karaniwang naaamoy niya kapag pumupunta siya sa aming probinsiya. Amoy nasusunog na mga tuyong dahon at damo. Kinilabutan nanaman si Uncle, hindi niya kasi mawari kung bakit makakaamoy siya ng ganun kung nasa Makati siya. Isang lugar kung saan hindi uso ang mga puno at damo.

Dumapa si Uncle at nagtakip ng unan.

"Wala akong papansinin. Wala." Sambit niya sa sarili. Lalong tumitindi ang amoy pero ipinagsawalang bahala ito ni Uncle hanggang siya ay makatulog.

Tumunog ang pituan, mabilis na umupo si Uncle sa kama.

"Maliligo ka ba?" Tanong ni Mama. Ito pa ang isang unique na character ni Uncle. Masyado siyang malinis na tao. Kung ilang beses siyang kumain sa isang araw ay ganun din karaming beses siya maligo araw araw at kahit umaapoy na siya sa lagnat ay hindi niya maiwasang magbuhos kahit isang tabo lang ng tubig.

"Oo. Ate." Sagot niya, sabay kuha sa tuwalyang nakasabit malapit sa kama niya at tumayo. Madali naman siyang inalalayan ni Mama, kinuha ang isa niyang braso na inalagay naman ni Mama sa likod niya habang paika ikang naglakad si Uncle.

"Sumasakit ba yan, kapag naglalakad ka?" Tanong ni Mama habang ngumunguso sa ibaba ni Uncle.

Naiilang man ay sumagot din si Uncle. "Hindi naman te, Mabigat lang." Nakangisi niyang sagot.

Nang marating ang C.R. ay agad na binuksan ni Mama ang pinto nito, kinalabit ang switch ng ilaw at inalalayan papasok si Uncle.

"Ano okay ka na? Gusto mo bang samahan pa kita sa loob?" Tanong ni Mama habang tinatapik ang likod ni Uncle.

"Ate naman eh." Mabilis na sagot ni Uncle sabay hampas sa kamay ni Mama.

Naghubad na si Uncle ng Jacket, t-shirt, pajama at ng medyas. Bago niya hubarin ang underwear niya ay kinuha niya ang maliit na basket ng sambon na nakapatong sa puting sink. Nang ma-check niya ang lahat ng laman ng basket at nasigurado niyang kumpleto siya ng gagamitin pampaligo ay doon niya pa lang hinubad ang brief niya at saka nagbukas ng shower. Walang pumatak na tubig.

"Ate walang tubig?!" Sigaw niya sa C.R.

Walang sumagot.

Nakita ni Uncle ang malaking balde, puno ito ng tubig kaya he decided na magtatabo na lang siya. Pero natigilan siya nang makita niyang wala ang tabo sa pinagsasabitan nito.

Sinubukan hanapin ni Uncle ang tabo ngunit hindi niya ito makita. Habang nakayuko at tinitignan ang likod ng balde upang siyasatin kung nahulog dun ang tabo ay may naramdaman siyang parang tumatapik sa kanyang tagiliran, mabilis na lumingon ang ulo niya para tukuyin kung ano iyon at nakita niya ang isang kamay na inaabot ang tabo sa kanya.

Napalundag si Uncle at napaatras, kasabay nito ay ang pagbagsak ng tabo sa tiles ng C.R. Tinignan niya ang kwadradong silid. Wala siyang kasama. Walang tao ang naroroon maliban sa kanya.

Nanigas ang buong katawan ni Uncle. Tumalikod siya, humarap sa dingding, pumikit at nagdasal.

Maya maya pa ay bumukas ang shower na kanina ay hindi gumagana. Natumba si Uncle sa sobrang gulat dahil sa lamig ng tubig na tumama sa likod niya. Nag-panic na si Uncle, sinubukan niyang tumayo pero nagkanda dulas dulas siya sa sahig. Inabot ni Uncle ang doorknob habang siya ay nakadapa. Hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang tumayo ngunit natigilan siya nang nakarinig siya ng kaluskos.

Bumukas ang pintuan ng aparador na lalagyanan ng sabon, shampoo at tuwalya para sa mga bisita, at lumabas ang napakapayat na nilalang. Bukas ang ilaw, kaya kitang kita ni Uncle ang paglakad at paglapit nito sa kanya. Kakaiba ang itsura ng nilalang. May matitigas at tikwas tikwas itong itim na buhok. Kulubot ang kanyang mukha na tila ang balat ay nakadikit na sa kanyang bungo. Magaspang at kulay brown ang buo niyang katawan na may pagka grayish, para itong antigong rebultong kahoy na nababakbak na ang pintura.

Sumigaw si Uncle, hindi niya akalaing may mga pangyayaring tulad nito sa totoong buhay. Patuloy na lumalapit ang nilalang sa kanya at patuloy din ang pagwawala niya sa loob ng C.R.

Sa muli niyang paglingon ay nasa tabi niya na ang nakakapangilabot na nilalang, nakahawak ito sa kamay niya, walang kakurap-kurap ang itim nitong mga mata at unti unting binubuka ang bibig na tila may nais sabihin. Kinalabog na ni Uncle ang pinto. Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng C.R. at tumakbo ng mabilis si Uncle patungo sa kanyang kwarto ng hubot hubad na siya namang ikinagulat ni Mama na kasalukuyang nasa pintuan.

Nagkulong si Uncle sa kuwarto, kitang kita ang kanyang panginginig sa hubad niyang katawan. Hindi pa siya nakaka-recover sa nakita niya sa C.R. ay may unti unti nanamang pumasok na mga nakakatakot na mga aparisyon. Una, isang babae at batang lalaking nakaitim at walang pinagkaiba sa suot ng black lady, wala rin silang pinagkaiba sa balat ng nilalang na nakita niya sa C.R. Sinulyapan ni Uncle ang dalawa ngunit hindi niya ito matagalan. Parang nabubulok na kahoy ang kanilang katawan, may tumutulo pang tubig sa katawan nila. Tuloy tuloy ang pagpasok ng mga nilalang na hindi kilala ni Uncle sa kwarto, ngunit lahat sila ay may kanya kanyang katangian na sobrang nakakatakot. Lahat sila ay para bang mga multong hindi matahimik.

Pinalibutan ng mga nilalang si Uncle sa kanyang higaan. Noo’y naisip ni Uncle na maaring ang kanyang mga nakikita ay mga kasamahang engkanto ng black lady. Sa sobrang takot ay nanigas na lamang si Uncle sa kanyang higaan, hindi makagalaw, at napaiyak na lamang ng tahimik.

Di naglaon ay nagising si Uncle, nakadamit na siya at nakahiga sa kama. Hindi tuloy niya matukoy kung nanaginip nanaman siya o totoong nangyari iyon. Tinignan niya ang suot niyang damit, iba ito sa damit na natatandaan niyang suot niya bago siya matulog.

Umaga na, at pagtingin ni Uncle sa orasan ay nakita niyang 10 A.M. na pala. Sumagi sa isip ni Uncle ang mga halimaw kaya agad na tumingin siya sa kanyang paligid, na para bang inaasahan niyang makakakita nanaman siya ng di pangkaraniwan.

Pero wala na ang mga nakakatakot na aparisyon na kanyang nakita. Wala na ang amoy ng mga nasusunog na dahon. Ngunit imbis na kumalma ay lalong natakot si Uncle nang makita niya ang mga malilit na sanga sa may paanan ng kanyang kama.

"Jonathan, ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka tumakbo nang nakahubad kagabi? Anu nanaman ba nakita mo?!" Tanong ni Mama na nakapamaywang sa pintuan.

Napapikit na lang si Uncle at nagsabi, "Bukas, punta tayo kay Mang Bading."
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:37 am

Chapter VII

SACRED RITES


Madaling araw pa lang ay nagplano na kaming pumunta sa albularyo ngunit bago namin dayuhin ulit ang lugar ni Mang Bading ay tumawag muna si Lola para siguraduhing nandoon si Mang Bading. Unfortunately, na sa isang probinsiya ng Visayas si Mang Bading at bukas pa ng umaga ang uwi.

Nagplano na lang si Lola na samahan si Uncle tuwing gabi sa kanyang kuwarto. So ngayong gabi, si Uncle Iking ang sasama sa kanya.

Kumagat ang dilim, tahimik ang lahat at nagising si Uncle Iking. Sumakit ata ang likod niya dahil sa tigas ng sahig na hinihigaan niya. Sa lapag kasi siya natutulog at tanging banig lamang ang nakalatag dito.

Tumayo siya para sana pahinaan ang electric fan, ngunit nang maglakad siya ng walang saplot ang paa ay tila umakyat sa kanya ang lamig ng sahig na siyang nag-udyok kay Uncle Iking para umihi ngunit hindi niya naituloy ang pag-ihi nang nakita niyang punong puno na ang arinola.

Therefore, naisipan niyang itapon na ito sa C.R. bago pa lumawa ng ihi sa silid ni Uncle. Pinihit niya ang doorknob, lumingon muna sa kanyang kapatid na mahibing ang tulog at saka tuluyang binuksan ang pinto. Bumulusok ang malamig na hangin. Binale wala ito ni Uncle Iking at mabilis niyang binaybay ang daan patungo sa banyo.

Nang mga limang hakbang na lang palapit sa banyo ay napansin niyang bukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Katabi kasi ng kuwarto niya ang banyo sa pangalawang palapag ng aming bahay. Napahinto siya at nagtaka.

Lalo pa siyang nagtaka nang may narinig siyang umaawit na parang pang pasyon sa loob, gustong marinig maiigi ni Uncle Iking ang awit ngunit di niya maintindihan ang kanilang salita, pinasok niya ang kwarto. Bumungad sa kanya ang rebulto ng isang mala-kambing na nilalang ngunit may katawan ng isang tao, ang sungay nito ay parang sa usa na maraming sanga at nagtataglay ito ng patusok na tenga. Wala itong saplot, nakaupo sa isang upuan na animoy nasa trono at may hawak itong kahoy. Nakita rin ni Uncle Iking ang mga kandilang kulay itim na may sindi. Nakakakilabot, nagsimula na si Uncle Iking manlamig at manginig.

Nakita niya ang isang babaeng nakaitim, nakabelo at nakaluhod sa harap ng nasabing rebulto. Bumubulong siya sa hangin na parang umaawit, hindi maintindihan ni Uncle Iking ang wika na ginagamit niya, pero nakakasigurado si Uncle Iking na hindi kastila o latin ang lenggwaheng narinig niya.

Inikot ni Uncle Iking ang paningin at nakita niya ang mga nakakatakot na nilalang, lahat nakayuko at parang taimtim na nagdadasal. Sa panginginig ay natatapon na ang ihi sa arinola na hawak hawak ni Uncle Iking.

Narinig ata nila ang patak ng ihi sa sahig kaya sabay sabay silang lumingon kay Uncle Iking. Ang babae ay nakatalukbong ng itim, pero nakita niyang sobrang kulukulubot na ang balat nito. Lalong natakot at nanlamig si Uncle Iking. Hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Gusto niyang tumakbo palabas pero parang nadikit na ata ang paa nito sa sahig at parang may nagpipilit sa kanya na tumingin sa rebulto.

Pinipilit ni Uncle Iking ang sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig. Napaihi na siya sa takot, nagdasal si Uncle Iking ng tahimik at unti unting uminit at lumuwag ang pakiramdam niya. Maya maya pa ay naigalaw niya na ang kamay at sa puntong iyon ay inihagis niya ang arinola sa babae, kumaripas siya ng takbo pababa at lumabas palayo sa aming bahay. Hindi niya na inisip na gisingin pa kami.

Kinabukasan ay nagising akong galit na galit si Lola. Bakit daw ang panghe sa kuwarto ni Uncle Iking. Lumabas ako at nakita ko si Lola na may dalang mop at balde na may bumubulang tubig. Nakita ko rin na nakabihis si Mama at si Uncle Jonathan, nagmamadali at sinasabihan si Lola na mamaya na ituloy ang paglilinis. Pupunta na pala sila kay Mang Bading at hindi man lang ako ginising para isama.

"Saglit lang, hintayin niyo ko at tarantado itong si Iking. Dito tinapon iyong ihi!" Galit na sigaw ni Lola. "Lasing nanaman ba iyon?"

Mainit ang pag salubong ni Mang Bading kina Lola. Pagbaba pa lang nila ng Taxi ay may kumuha na kaagad ng malaking bag na bitbit ni Mama, pinatawag niya rin ang isa niyang apo para alalayan si Uncle sa paglakad. Mas lumala kasi ang kalagayan ng bayag ni Uncle at mas nahihirapan siyang maglakad.

Pumasok na sila sa bahay, pinaupo sila Mama at Lola sa sala samantalang inihatid naman si Uncle sa isang silid.

"Dito muna kayo hah. Kami lang muna ang puwede sa loob." Sambit ni Mang Bading.

Pumasok si Mang Bading sa silid, kakaiba ang aroma ng paligid; parang halimuyak ng bulaklak. Sa gitna ng silid ay may malaking bilog na iginuhit gamit ang pinturang puti. Katapat ng pinto ay may lamesa, may nakapatong ditong mga maliliit na brown na bato, isang card na may simbolo na ayon kay Mang Bading ay tinatawag daw na sigil, kulay dilaw na makapal na libro, green na crystals, compact mirror, maliit na kutsilyo na may scarlet na hawakan, mga prutas na nakalagay sa cornucopia, tubig na nakalagay sa itim na bowl, figurine ng isang hari na nakaupo sa trono na ayon din kay Mang Bading ay si Haring Solomon, figurine ng Anghel, silver na kandila at sa dingding ay may nakaguhit na hexagram.

Pinahiga ni Mang Bading si Uncle sa loob ng bilog. Pagkatapos ay kumuha siya ng apat na piraso ng puting kandila. Sinindihan niya iyon isa isa at inilagay sa apat na direksyon; isa sa North, South, East at West. Pagkatapos ay may nailagay siya sa silver na tray; box na puno ng brown na buhangin, pitong balahibo, oil burner, isang kupita na may lamang tubig, at maliit na espada. Pumasok siya sa loob ng bilog, inalapag ang tray sa tabi ni Uncle at kinuha ang esapada.

Sa puntong iyon ay napalunok si Uncle. Bigla na lang kasing sumagi sa isip niya na baka itarak iyon sa kanya, wala pa naman siyang kalaban laban dahil hindi siya makatayo. Maya maya pa ay umupo na si Mang Bading, hawak ang espada ay dahan dahan niyang ipinaikot ang dulo nito sa bilog na nakaikot sa kanila, tila tini-trace niya ang bilog habang nakapikit at bumubulong.

Pagkatapos nito ay humarap siya sa hilaga, itinaas ang kahon ng buhangin, kumuha ng kaunti at isinaboy.

"Basbasan Niyo nawa..." Iyan ang tanging narining ni Uncle habang umuusal usal si Mang Bading.

Sumunod naman ay humarap siya sa silangan, kiuha ang puting balahibo, ginalaw galaw niya ito na tila kumukumpas siya. Then, kinuha ang oil burner, hindi malaman ni Uncle kung papaano, pero nakita niya itong sumindi at nagliyab ng apoy. At ang panghuli ay ang kupita, isinawsaw ni Mang Bading ang kanyang mga daliri sa tubig at winisikan ang paligid.

Tumingin siya kay Uncle at nagsalita, "Handa ka na ba?"

Tumango si Uncle at ipinatong ni Mang Bading and kanang kamay sa noo nito, pinapakit niya ito and with a click of his finger, ay parang nawalan ng malay si Uncle. Bumulong bulong ulit si Mang Bading, kumumpas kumpas ang kanyang mga kamay na tila may tinatawag.

Gumalaw ang puting kurtina. Ngunit walang hanging pumapasok sa silid. Maya maya pa ay may naghugis sa kurtina. Nagkorte itong mukha, nakabukas ang bibig na tila sumisigaw, ilang saglit lang ay may nagkorte na ring kamay mula sa kurtina. Gumagalaw ang hugis kamay na tila gustong kumawala. Nagpatuloy ito nang ilang segundo hanggang sa mawala.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:39 am


Chapter VIII

GRUESOME SIGHT


Natagpuan ni Uncle ang sarili sa isang masukal na gubat. Napapalibutan ang mga puno ng makakapal na sapot, matataas na damo at may mga mahahabang baging. Ang daan naman ay maputik, maraming uod at hindi kaaya aya ang amoy. Sa kanyang paglalakad ay may humarang sa kanya na isang napakalaking aso, kulay itim ito at pula ang mga mata. Ito ang aso na nakita niya sa isa sa mga panaginip niya. Umaamba ang aso at kumuha naman si Uncle ng malaking bato para ipagtanggol niya ang kanyang sarili.

Kumahol ang malaking aso. Handa naman si Uncle sa isang mabilis na pagtakas papalayo, pero tumigil ang aso at tumakbo papalayo hanggang sa kinain na ito ng dilim. Nang mawala sa paningin ni Uncle ang aso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad. Lalong lumalamig at tumatayo ang kanyang mga balahibo sa balat.

Nakaramdam si Uncle ng hindi maipaliwanag na emosyon. Nangangamba siya sa kanyang sarili na huwag nang magpatuloy maglakad sa gubat. Ngunit nasaan ba siya? Nasaan ba ang daan palabas?

Tumingin si Uncle pabalik sa pinanggalingang daan, wala na siyang maaninag, sobrang madilim, alam niya sa sarili niya na pag bumalik pa siya ay mahuhulog siya sa isang napakalalim na hukay at baka hindi na siya muling makita pa. Wala nang paraan para bumalik pa.

Pinagpatuloy ni Uncle ang paglalakad hanggang sa may nakita siyang isang malaking mansyon na kung titignan maigi ay mapagkakamalang simbahan, gawa ito sa bato ngunit halatang pinaglumaan na ng panahon. Bumukas ang malaking pintuan ng Mansyon. Hindi nagkamali si Uncle, para talaga itong simbahan. May mga mahahabang upuan sa gilid at may aisle sa gitna.

Ang pinagkaiba nito sa simbahan ay wala siyang makitang santo, walang sasawan ng holy water, walang altar ngunit mayroong malaking krus. Kakaibang krus ito dahil kulay itim at patusok ang dulo. Para itong isang anchor. Lumapit ng kaunti si Uncle at nakita niya na mayroong taong nakapako sa krus, maputi ang katawan nito maiksi ang buhok at duguan. Hindi makatitig si Uncle dahil parang bumabaliktad ang sikmura niya kapag nakikita niyang sumisirit ang dugo nito sa mga butas sa palad.

Pinipilit ni Uncle ang sarili para makagalaw pero parang hinihigop siya ng krus papalapit sa babaeng naka itim na nakatayo sa ibaba nito. Feeling ni Uncle ay nakasakay siya sa isang platform na may gulong, at dahang dahan itong umaandar sa aisle, papunta sa harapan.

Huminto si Uncle, mismo sa likod ng babaeng nakaitim. Gumalaw ang kamay ng babae at ipinakita ito sa kanya, iyon yung kamay na nakita niya sa panaginip niya na may mahahabang kuko. Nanginginig ang kamay nito at tila ipinapaabot sa kanya. Napasigaw sa takot si Uncle hanggang sa madampi niya na ang kamay ng babae na nagsasalita ngunit hindi ito maintindihan. Ang boses niya ay parang isang ugong na nanggaling sa hindi niya malamang napakalalim at nakakatakot na lugar. Napakalamig ng kamay nito na parang multo ng isang kaluluwang patay na. Pinipilit siya ng babae na sumama sa kanya sa harap ng krus.

Napatingin si Uncle sa krus at nakita niya ang paggalaw ng duguang ulo ng taong nakapako. Tumingin ito sa kanya. Lalong napahiyaw si Uncle at sinabi, "Ayokong sumama sa iyo!"

Sumigaw ang babae at humangin ng malakas. Galit na lumingon ang babae kay Uncle. Natulala siya nang nakita niya ang mukha ng babae sapagkat bungo lamang ito, walang mga mata.

Patuloy na sumisigaw ang bungo hanggang sa lumiwanag ang buong paligid, galing sa kaitaasan at naaninag niya si Mang Bading na nakatingin sa kanya. Bumangon siya, uhaw na uhaw. Mabilis na kumuha si Mang Bading ng tubig ang nagtanong, "Kumusta? Anong nakita mo?"

Ikinuwento ni Uncle ang nakita niya sa kanyang panaginip at nang matapos ay tinukoy na ni Mang Bading kung anong klaseng nilalang ang babaeng nakaitim.

"Mandaragit ang tawag ng mga matatanda diyan," Nag-pause muna si Mang Bading para ayusin ang mga kagamitan sa sahig, "Mga diwata o engkanto sila na kumukuha ng mga naiibigan nilang lalaki. Pero hindi naman sila nandadagit basta basta kung ang lalaki ay hindi nagpakita ng motibo. Karamihan ng mga kinukuha nila ay iyong mga narcisstic. O iyong mga lalaking masyadong mayayabang, egoistic, makasarili at matatapang."

"Hindi naman ako ganung klaseng tao." Sambit ni Uncle.

"Lahat ng diwata o engkanto ay maaring maging mandarakit. Once na sila ay may maibigan." Muling huminto sa pagsasalita si Mang Bading para patayin ang apoy ng mga kandila. "Sabi sa akin kanina ng Nanay mo ay may naaamoy ka raw na nasusunog na dahon, may nakikita ka raw na nilalang na parang kahoy, at nagiiwan sila ng mga tangkay ng puno?"

Tumango si Uncle.

"Kung ganoon, ang uri ng mga engkanto na nagpapakita sayo ay tinatawag na Dryad. Sila ang mga tagabantay ng kalikasan. Ang mga engkanto na ito ay nabubuhay sa mga kagubatan, pero maari silang umalis doon at makapunta sa ibang lugar. Imortal ang mga ito at makapangyarihan. Mayroon ding tinatawag na Hamadryads, isa rin itong anyo ng engkanto. Di tulad ng mga Drayds, hindi imortal ang mga ito sapagkat kapag pinutol mo o sinara ang kanilang punong tinitirahan ay mamatay din sila. Pero hindi maaring gawin basta basta dahil puwede kang parusahan ng mga Dryads kapag sinara mo ang puno nang hindi ka nagpapaalam."

Nang matapos nang linisin ni Mang Bading ang silid ay saka naman niya tinulungan si Uncle makatayo. "Hindi ko alam kung Dryad o Hamadryad ang babaeng nagpapakita sa iyo kaya mahirap tukuyin kung paano natin siya mapupuksa. Nakipag-usap ba siya sa iyo?" Tanong ni Mang Bading.

Umiling si Uncle, "Gusto niya lang akong sumama sa kanya. Pero tumanggi ako."

Hindi na muling umimik pa si Mang Bading. Inalalayan niya na lang si Uncle palabas ng silid. Binuksan niya ang pintuan at sumalubong naman sila Lola at Mama. Kinumusta ni Lola ang kalagayan ni Uncle at si Mang Bading na ang nagpaliwanang at napagkasunduan nilang bumalik dito sa susunod na linggo upang ituloy ang panggagamot.

Bago nila lisanin ang lugar ay nag-iwan ng payo si Mang Bading, "Mag-ingat ka Jonathan. Hindi basta basta ang kalaban natin. Maaring maging agresibo ang mga diwata. Maari silang manakit at makapatay kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. Sa ngayon na hindi pa natin alam ang gagawin ay wala tayong ibang sandata kundi ang pananalig sa Diyos."

Apat na araw na ang nakalipas simula noong first session niya kay Mang Bading. Magulo ang isip ni Uncle habang siya ay nakahiga sa kama niya. Ayaw niya pang mahiwalay sa pamilya pero kung ito ang paraan para matapos na ito ay papatulan niya na talaga ang gusto ng Black Lady; na sumama sa kanya. Gagawin ni Uncle ang lahat huwag lang gagalawin ni Black Lady ang mga mahal niya sa buhay.

Dinapuan na ng antok si Uncle kaya minabuti niyang matulog na.

Naalimpungatan si Uncle, tinignan niya ang orasan 11:35 P.M. Tinignan niya ang kasama niya sa kuwarto, si Tita Perla ang naka-assign ngayon na magbantay sa kanya. Pero nagtaka siya, bakit iba ang paa ni Ate Perla, bakit paa ng lalaki? Malapad ito at medyo mahaba, malaki ang mga daliri nito sa paa, mukhang matitigas ang mga kuko at may mga kalyo.

Umumpo si Uncle para tiyakin kung sino ang kasama niya. Nakatalukbong ang nakahiga sa sahig. Dahil hindi makatayo ay dahang dahang gumapang si Uncle Jonathan papunta sa taong nakahiga. Nang marating niya ang uluhan ay unti unti niyang tinanggal ang taklob na kumot.

Napasigaw na lang siya ng makita niya ang walang huhay na si Mang Bading, nakamulat ito at nakatitig sa kanya. Maya maya pa, naramdaman niyang may kumalabog sa aparador niya. At si Uncle ay nagising sa panaginip. Hindi niya alam na panaginip nanaman pala yun.

Sinubukan tumayo ni Uncle at nakita niya si Tita Perla na tulog na tulog. Pumunta si Uncle sa desk niya para uminon ng tubig. Nag-iwan kasi si Lola dun ng isang pitsel ng tubig, mga prutas at tinapay. Kinuha ni Uncle ang pitsel ng tubig, nagbuhos sa baso at uminom. Sa pagbaba niya ng basong pinag inuman ay tumingin siya sa taas.

Nakita niya si Mang Bading na nakasuot ng polong brown at itim na slacks at nakalutang sa taas ng lamesa. Natumba si Uncle sa sobrang takot. Nakatingin si Mang Bading kay Uncle, malungkot ang mukha at unti unti siyang naglaho.

Kinabukasan nabalitaan namin na si Mang Bading ay patay na. Inatake siya sa puso sa kahabaan ng biyahe nila sa Isabela dahil may gagamutin siya sana doon. Hindi na siya inabot na buhay sa Hospital. Hanggang ngayon ay palaisipan sa amin kung may kinalaman dun si Black Lady. Isa kasi si Mang Bading sa tumutulong sa amin para puksain ang engkanto kaya hindi namin maiwasang isipin kung involved si Black Lady o coincidence lang ang lahat nang nangyari.


Last edited by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:43 am; edited 1 time in total
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:41 am

Chapter IX

MYSTERY DEEPENS

Tatlong buwan ang itinagal ng sakit ni Uncle at sa wakas matapos siyang bisitahin ng kura paruko ng simbahan ay humupa ang lagnat niya at nabawasan ng laki ang bayag niya. Usap-usapan si Uncle ng mga kapit-bahay at siyempre pa, marami sa kanilang kuwento ay walang kuwenta. Kesyo daw nakulam si Uncle, nakatapak ng duwende, minanyak ng manananggal at kung anu anu pa.

Deadma lang lahat kami kapag may naguulirat kung ano ba ang nangyari kay Uncle. Lahat kami, mula kay Lola hanggang sa akin ay tikom ang bibig.

Makalipas ang apat na buwan ay nakabalik na si Uncle sa trabaho, wala na siyang trangkaso, wala nang nagpapakita sa kanyang babaeng nakaitim at wala na ring mga engkanto. Tanging ang laki na lang ng bayag ang naiwang alaala ng manifestation ng black lady sa kanya. Marahil ganun na talaga ang size nun. Umimpis naman pero ayon kay Uncle ay malaki pa rin.

Wala na ngang nagpaparamdam kay Uncle kaya nang ma-experience namin ito ng aking pinsan na si Irene ay hindi namin siya kinunek sa mga kaganapan na may kaugnayan kay Black Lady.

Isang araw habang nagwawalis kami ng pinsan ko sa compound namin ay may narinig kaming dalawa na may sumitsit. Pareho kaming tumingin sa likuran ngunit wala kaming nakita. Ipinagpatuloy namin ang aming ginagawa ngunit mayroon nanamang kaming narinig; drum beats na galing sa isang timpani. Maganda ang tunog kaya sinundan namin ni Irene.

Pumunta kami sa loob ng bahay at pareho kami ni Irene ng pantindig -- sa itaas nanggagaling ang tunog. Umakyat kami sa taas at hinanap namin ang source ng tunog. Lalo itong lumalakas nang baybayin namin ang hallway patungo sa kuwarto ni Uncle.

Binuksan ni Irene ang pinto, malakas ang creak nito na siyang nagpakaba sa akin. Papasok na sana siya nang hinawakan ko siya sa balikat at pinigilan. "Wait, baka magalit si Uncle."

"Di an, plamis." Pabulol bulol niyang sabi.

Lalong lumakas ang tinig na aming naririnig. Inikot ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang bukas na radyo. Maya maya pa ay nawala ang tunog ng timpani.

"Ano kaya yun?" Tanong ng pinsan ko.

Nagkibit balikat ako, palabas na kami nang may napansin si pinsan na mga larawang nagkalat sa sahig, mga litrato ni Uncle sa isang gubat.
Kinuha ko ito at napansin kong may lupa-lupa ito, para bang tinapaktapakan ito ng paa na kakagaling lang sa putikan. Tinignan ko ito isa isa. Noong una ay puro simpleng pictures lang ni Uncle at ng kanyang ex-girlfriend ngunit nang nangangalahati na ako ay tila napatigil na ako sa paghinga sa nakita ko. May mga kuha si Uncle at ang kanyang ex-girlfriend na nakapose ng nakahubad, sa pinakadulo ay mayroon pang pictures na naghahalikan, magkapatong at kung anu anu pang pose na R-18 at erotic sa paningin.

"Ano.. yan?!" Turo ni Irene sa dibdib ng babae.

Hindi ko na tinapos ang pag-iiscan ng photos. Binitawan ko ang mga litrato at hinilang palabas si Irene sa silid ni Uncle. Nagkatinginan kaming dalawa ni Irene at sabay na sabay kaming napasabi ng, "Yuck!" habang kami ay patalon talon at umaarteng parang nasusuka. Hindi namin sinabi kay Uncle at kung kaninuman ang nadiskubre namin. Itinago namin ito. Ngunit nag-iwan iyon ng katanungan sa isip ko.

Bakit kami dinala ng tunog dun? Para lang ba ipakita sa amin ang mga larawan na iyon?

Sumapit ang kaarawan ni Uncle at napili niyang mag-celebrate sa Filsite or Philsite, hindi ko sure kung alin ang tamang spelling diyan but anyway, ito ay isang lugar na kung saan puwede kang magrenta ng mga bisikleta. Katabi ito ng Star City sa Pasay at konting lakad lang ay matatanaw mo na ang Manila Bay kaya naman maraming magkasintahan ang pumupunta dito para makita ang magandang sunset.

Ito na rin ang paraan ni Uncle para makalimot sa mga nangyari. Naisip niya na maaring mas gumaan ang kanyang pakiramdam kung makakasama niya ang kanyang mga pamangkin at ang babaeng kanyang nililigawan, si Aiko.

Nang marating namin ang lugar ay marami nang pagbabago ang nagawa ng mga tao sa Philsite. May mga makukulay na bandiritas, mga maliliit at mobile na kubo, may mga pagkain, at may katutubong banda. Ito ata ang veneue na kung saan gaganapin ang Earth Dance.

Busy lahat ang mga tao. May mga decoration na mga kurtina na may ibat-ibang kulay sa paligid na nakasabit sa mga puno ng Accacia, mayroon ding mga track na labas-pasok sa area na nagde-deliver ng mga sound system, mga upuan at mesa, at iba pang mga gamit para sa nasabing selebrayson.

Ngunit ganun pa man, ay hindi naman nila inalis ang rentahan ng mga bisekleta kaya tuwang tuwa ang mga magpipinsan ng paandarin nila ang kani- kanilang bike. Pabilisan sila ng pagtakbo na tila kabilang sila sa isang contest.

Tatlong oras na rin kami nanduon at medyo napagod na si Uncle sa pagba-bike. Ako ang kasama niya sa sidecar dahil hindi pa ako marunong magbisikleta noon. Naisip ni Uncle na gusto niya munang mapag-isa habang pinagmamasdan niya ang mga pamangkin at si Aiko. Bumili siya ng isang maliit na mineral water at nagtungo sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno. Hindi ata naalala ni Uncle na may batang nakaangkas sa sidecar niya dahil hindi man lang niya ako niyayang umupo sa bench kaya minabuti kong mag-stay na lang sa sidecar.

Kahit na nag-enjoy si Uncle sa araw na iyon ay biglang sumagi sa isip niya ang Black Lady. Hindi pa rin niya lubos na nakalimutan ang mga kaganapan na biglang nagpabago sa kanyang buhay. Bigla siyang nakadama ng takot. Paano kung bumalik ang...

"Hi, Jonathan." Pagtawag ng isang babae.

Pagtingin ni Uncle ay nakita niyang papalapit ang isang di-pamilyar na babae sa kanya. Nakasuot ang babe ng pulang blouse at asul na palda. May dala itong isang maliit na itim at lumang libro

Tumingin muna sa likuran si Uncle upang tiyakin kung siya nga ang kinakausap at saka siya tumugon, "Hi.." Pagbati ni Uncle. Umupo ang dalaga sa tabi niya.

"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ng dalaga.

"Oo..." Napahinto si Uncle at tinignan ng maigi ang babae. Hindi niya ito kilala. Wala siyang maalalang nakita niya ito ni minsan. Maganda ang babae, maputi at makinis ang balat. Nagtataglay ito ng itim na buhok with light brown streaks, bilog na bilog ang mga mata at matangos ang ilong.

"Ngayon lang ulit kita nakita, ah? Kumusta ka na?" Tanong ng babae.

"Ayos lang ako, thank you sa pagtatanong." Sabi ni Uncle, sabay ngiti.

"Pero teka ha... Nalilito ako eh. Kilala ba kita? Nag-meet na ba tayo?" Tanong ni Uncle

Hindi umimik ang babae. Pansamantalang naging tahimik ang dalawa, pero di nagtagal ay muling nagsalita ang babae.

"Jonathan..." Tumayo ang dalaga at iniaabot ang kanyang kamay kay Uncle, na tila bay niyaya itong sumayaw. Aabutin na sana ni Uncle ang kamay ng biglang may pumutok. Sa hindi kalayuan ay may mga taong naghahanda ng mga firecrackers. Isa sa kanila ang nag-try magsindi ng paputok at nagsabog ito ng makukulay na ilaw sa madilim na kalangitan. Lahat ay namangha sa kagandahang taglay nito.

Tumingin ulit si Uncle sa babae pero wala na ito. Tinignan niya ang sidecar at wala na rin ako. Pero may napansin niya. Naiwan ng dalaga ang dala nitong itim na libro sa bench. May isang maliit na puting papel na nakaipit ang nahulog mula sa libro.

Kinuha ni Uncle ang aklat at pinulot ang nahulog na papel. Nang ibabalik na ni Uncle ang puting papel sa loob ng notebook ay bigla na lamang may napansin si Uncle. Agad niyang binuklat ang maliit na papel at siyang gulat na lamang niya sa nakita.

Sa papel, nakaguhit ang isang babaeng nakaitim, nakabelo at may hawak na rosaryo. Nakatayo ito na animoy nagdadasal. Binitiwan ni Uncle ang libro at ang drawing, nahulog ito sa lupa, at mabilis niyang nilisan ang lugar.

Samantala, natagpuan ko naman ang sarili ko sa isang bush malapit sa pinagbibisikletahan ng mga pinsan ko.

"Teka, paano ako napunta dito?" Tanong ko sa sarili habang kinakalkal ko ang ulo ko.

"Nasaan na iyong sidecar ni Uncle?" Tumingin ako sa malayo at nakita ko si Uncle na nagbibisikleta at mukha atang hinahanap ako. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Pero natigilan ako nang makita ko ang pagsemplang ni Aiko, nahulog ito sa maputik na lupa at nagtamo ng sugat sa noo at gasgas sa braso at baba.

Tumigil din si Uncle. Nakanganga at halos lumuwa ang mata. Mga ilang segundo ay tumakbo siya para tulungan si Aiko.

"Alvin, bakit mo tinulak si Ate Aiko?" Ang sabi ng isa kong pinsan.

"Anong tinulak? Nasa likod niya lang ako no. Nagulat na lang ako bigla siyang sumemplang. " Pagtatanggol ni Alvin sa sarili.

Nakatayo si Aiko sa tulong ni Uncle at ako ay naglakad papalapit sa kanila. Nakita kong nagbago ang mukha ni Uncle at sumimangot sa akin.

"At ikaw naman san ka ba galing?! Akala ko nawala ka na eh!" Nang narinig ko iyon ay napaisip nanaman ako kung bakit nga pala ako napunta doon sa bush. Wala akong matandaan na bumaba ako ng sidecar at naglakad papunta sa bush. Para akong nag-teleport.

"Sasamahan ko lang si Aikz para magbihis sa C.R., tapos nun uwi na tayo!" Sigaw niya.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:44 am

Chapter X

UNEXPECTED REVELATIONS

Mula sa Estrella sa may EDSA ay naglakad kami pauwi. Walang imik ang lahat. Mistulang hapong hapo ang bawat isa. Tahimik na ang kalyeng dinadaanan namin dahil ginabi na kami sa pag-uwi, pero bigla na lamang akong may mabigat na naramdaman, na para bang may mga matang tumitingin sa amin. Kinilabutan ako.

Para masiguro na walang taong sumusunod o umaaligid sa amin, sinuri ko ang paligid. Kami na lamang ang tao sa kalyeng iyon, ni tunog ng mga sasakyan o mga hayop ay wala na. Wala akong makita kundi isang madilim na kalsada. Lahat ng bahay ay patay ang ilaw at ni poste ng MERALCO ay walang silbi.

Sinubukan kong kalimutan ang naramdaman sapagkat marahil ay guni-guni ko lamang iyon. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad na walang ibang iniisip kundi ang makarating lamang sa aming bahay at makapagpahinga na. Kanina pa kasi sumasakit ang paa ko at konti na lang ay talagang magpapabuhat na ako.

Narating naman namin ang aming tahanan ng safe at walang distraction mula sa kung sinuman. Pero naabutan naming gising pa ang ilan kong Tita, maging si Mama. "Susmaryosep! Gabi na hah! Jonathan naman hindi ka man lang tumatawag!" Saway ni Tita Perla habang kumukuha ng plato sa kusina.

"Sorry Ate." Pagod na sagot ni Uncle.

"Nakakain na ba kayo?" Tanong ni Tita Perla.

"Napakain ko na po ang mga bata." Mabilis niyang tugon.

"Sige, pahinga na kayo. Mainit nga lang ngayong gabi. Brown out eh may pumutok na poste doon sa kabilang kalye."

Lahat kami ay nagtipon sa sala. Ang apat kong pinsan ay nakaupo at nagsisiksikan sa sofa. Si Ate Aiko, na nagplano na sa amin muna magpapalipas ng gabi ay nakaupo sa isang monoblock chair. Ang dalawa kong pinsan ay nakaupo sa aming floor model antique television habang ang isa ay may hawak na Gameboy at busy sa paglelevel up. Ang iba pang mga bata, kasama ako ay nakasalampak sa carpeted na sahig, iba-iba ang posisyon; may nakadapa, nakahiga, naka-Indian sit, nakabukaka at nakayakap sa tuhod.

May tatlong kandila ang nagbibigay sa amin ng tanglaw. Ang isa ay nakapantong sa Center Table, ang isa ay sa may altar at ang isa ay sa tabi ng lampshade sa sulok.

Si Uncle ay nakaupo sa isang dining chair, nakatitig siya sa amin na parang naninindak. Hindi ko siya tinititigan sa mata. Ginagala ko lang ang mga mata ko while holding a can of softdrinks in my lap.

"Uncle, anong ginagawa namin dito?" Ate Katherine finally said after a long silence. Hindi ko pinansin ang pinsan ko, itinuon ko ang aking mga mata sa light brownish mocha walls ng aming bahay, pagkatapos ay sa malaking bookshelves na umaabot sa ceiling with a big screen TV built in to the center, at sa glass door that opened onto a backyard terrace. May napansin akon na parang aninong gumalaw sa terrace. Dito sa pagkakataong ito ay tumingin na ako kay Uncle dahil nakadama nanaman ako ng takot. Mas mainam na tumigin na lang kay Uncle kaysa makakita ng kung ano sa labas.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang magsalita si Uncle, "Kanina habang nagba-bike kayo may nag-approach sa aking babae hindi ko siya kilala pero nakipag-usap siya sa akin. Kinumusta niya ako at sinabi niya na ang tagal na raw niya akong hindi nakikita. Pero nung nagsimula iyong pagputok ng mga firecrackers, bigla na lang siyang nawala. Naiwan niya iyong libro at iyong papel na nakaipit doon. Tinignan ko iyon at nakita ko... Nakadrawing iyong babaeng itim."

Sa puntong ito ay napaatras kaming lahat, nakarinig pa ko ng sigaw mula kay Ate Katherine. Niyakap ako ng isa kong pinsan at nagtago sa likod ko.

"Natakot ako kaya nag-bike na ako papalayo. Pero nagulat na lang ako nang nakita ko wala na rin si Neal sa tabi ko. Naisip ko tuloy baka kidnaper iyong tumabi sa akin. Pagkatapos..."

"Jonathan! Patulugin mo na iyang mga bata! Maaga pa magsisimba bukas!" Sigaw ni Mama sa likod niya, bago ito tuluyang umakyat sa itaas.

"Oo te. Sandali lang..." Sambit ni Uncle na hindi man lang gumalaw ang ulo para tignan si Mama. Ang mukha niya ay nanatiling nakatapat sa amin. Seryosong seryoso ngunit bakas ang takot.

Nang marinig namin ang pintuan ng kwarto nila Mama na nagsara ay dun pa lang ipinagpatuloy ni Uncle ang kwento. Matapos daw palang mawala ang babae ay sinubukan niya akong hanapin ngunit nagulat na lang siya nang habang nagbibisikleta siya ay parang na-dissolve ang paligid niya at napalitan iyon ng isang masukal na kagubatan.

Nagsimulang maglakad ang babeng nakaitim sa kinatatayuan ni Uncle at ni Mila. Maliban sa suot nito ay hindi na matanaw kapwa ni Uncle at Mila ang mukha ng babae pagkat parang blanko ito at nababalot ng kadiliman.

"Jonathan, halika na!" Hinila ni Mila ang kamay ni Uncle at agad silang tumakbo. Si Mila ay ang ex-girlfriend ni Uncle Jonathan, limang taon silang magkasintahan ngunit natapos ang kanilang relasyon nang namatay si Mila matapos nilang magpunta sa Bundok Banahaw, isang taon na ang nakalipas.

Tila ba ay walang pakialam na siya ay matakasan, naglakad lamang kasunod nila Mila at ni Uncle ang babaeng nakaitim.

Mabilis ang pagtakbo ni Mila, pero si Uncle ay hindi masyadong makasabay dahil sumasakit ang bayag nito. Hindi niya alam kung bakit. Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay bumigay na si Uncle at siya ay tuluyang nadapa.

"Jonathan!"

"Ahhhh… Shit!" Naging masama ang pagbagsak ni Uncle. "Di ko na kayang tumakbo, Mila."

Tumigil si Mila sa pagtakbo at binalikan si Uncle. "Halika na, aalalayan kita!!!" Sigaw ni Mila.

"Mila, mas madali tayong matutunton ng humahabol sa atin dahil sa ingay mo!" Hindi sumagot si Mila.

"Mila, ano ka ba! Tumakbo ka na!" Sambit ni Uncle na namimilipit sa sakit na nararamdaman.

Matapos makita ang nahihirapang nobyo, sumagot si Mila "Hindi kita pwedeng iwan dito, Jonathan, alam mo yan!”

"Pag di ka tumakbo, pareho tayong mapapahamak."

"Ano sa palagay mo?! Mas magiging maayos para sa akin pag nakaligtas ako at alam kong may iniwanan ako? Na may nangyaring masama sa kanya dahil inuna ko ang sarili ko?" sagot ni Mila. "Hindi kakayanin ng konsensiya ko yan Jonathan, kilala mo ako!" Huminga ng malalim si Mila. "At ang isa pa... wala na akong pag-asa kaya ang mahalaga eh maitakas kita dito!"

"Ano?" Tanong ni Uncle. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Halika na, Jonathan, please... umakbay ka na sa akin." Sabi ni Mila na may luhaan na mata at tinulungan niyang tumayo si Uncle. "Tingin ko, malayo na tayo sa babaeng humahabol sa atin. Pero kailangan pa rin nating magtago ng mabuti habang di mo pa kayang tumakbo."

"Salamat, Mila."

"Ano ka ba? Boyfriend kita di ba?" Tinulungan ni Mila na maglakad si Uncle patungo sa likod ng isang may kalakihang puno at doon sila nagtago.

"Siguro ay dapat dito na tayo magpalipas ng dilim kung hindi tayo matutunton ng humahabol sa atin. Mas ligtas kung aalis tayo dito sa gubat pag maliwanag na. Teka, paano ka nga ba napunta dito?" Tanong ni Mila kay Uncle.

"Hindi ko alam at hindi ko rin masyadong maalala." Bahagyang tumigil si Uncle sa pagsasalita.

"Jonathan? Ayos ka lang ba?"

"Hindi" Umiling si Uncle at muli siyang tumigil sa pagsasalita, pero itinuloy niya pa rin ang sasabihin. "Sino ba iyang babaeng nakaitim? Bakit niya tayo sinusundan?"

"Hindi mo siya kilala? Hindi pa ba siya nagpapakita sa iyo? Siya ang..." Hindi itinuloy ni Mila ang kanyang sasabihin.

"Ang?"

"Makinig ka sa akin Jonathan. Mahal na mahal kita. Alam ko ito na ang huli nating pagkikita pero hinding hindi kita malilimutan." Pumutak ang luha ni Mila sa bilugan at mapupungay nitong mata. "Huwag kang magpapatalo sa kanya. Maging malakas ka."

"Ano ba sinasabi mo Mila, hindi kita maintindihan?" Tanong ni Uncle, habang hawak niya ang muka nito at pinupunasan ang luha. "Teka, ikaw paano ka napunta dito?" Muling tanong ni Uncle sabay hawi sa buhok nito na nakaharang sa magandang mukha ni Mila.

Hindi agad sumagot si Mila. Pero naisip niyang dapat niya nang sabihin ang katotohanan kay Uncle, kaya sinagot nito ang tanong ni Uncle. "Hindi ako nakulam Jonathan. Ang mga engkanto ang dahilan kaya ako namatay. Parusa nila ito sa akin."

"Parusa? Ano bang kasalanan mo?"

Napayuko si Mila at huminga ng malalim. "Naalala mo iyong pumunta tayo sa Mt. Banahaw? Naalala mo kung ano ang ginawa natin doon? Kasalanan iyon di ba?"

Sa puntong iyon ay parang biglang nag-flashback kay Uncle ang sinabi ng pari sa kanya, "Kapag tayo ay nakakaranas ng mga ganito, we should check our actions. Maaring nakagawa tayo ng isang aksyon na nagpa-allow para magmanifest ang mga demonyo." Pero hindi pa rin makita ni Uncle ang kasalanan dun, wala naman silang nasaktang tao.

"Anong masama dun?"

Hindi agad nagsalita si Mila.

"Mila?"

"Nag-sex tayo sa isang puno. Sa ilalim nang isang puno na templo pala ng mga engkanto. Dito sinasamba ng mga nilalang ang kanilang Diyos na si Pan. Isa itong satyr, kalahating kambing, kalahating tao. Ang humahabol sa atin ay si Erato, mongha at propeta ng Diyos na si Pan. Para sa kanila ay pangbababoy ang ginawa natin sa kanilang templo. Hindi lamang iyon, nasira din natin ang kanilang templo. Nagkalat tayo, pinagpuputol ang mga tangkay ng puno at nagukit pa tayo ng pangalan natin sa puno ng kahoy."

Natakot si Uncle sa sinabi ni Mila, pero itinago niya ang takot sa kanyang mga mata.

"Hihingi ako ng tawad, hindi naman natin alam..."

Napangiti si Mila kay Uncle. "Tama na. Huli na ang lahat para sa akin." Pagkatapos niyang sabihin ito ay nadisolve muli ang paligid at bumalik sa Philsite na kung saan nakita niya ang ginawang pagharang ng babaeng nakaitim sa bisekleta ni Aiko kaya siya tumilapon sa putikan. Tumingin ito sa kanya at naglaho.

Maya-maya pa ay nagkakuryente na sa aming bahay. Tumayo si Uncle at binuksan ang ilaw.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:45 am

Chapter XI

LAST CHANCE

Nang magka-ilaw ay laking gulat na lamang ni Uncle ng makita niyang may mga nilalang sa kusina. Sila ay nakaupo sa paligid ng dining table; isang babaeng may kasamang batang lalake, isang lalakeng nakasuot ng napaka luma at napakaruming damit, at isa pang payat na nilalang na mabalahibo at may sungay. Lahat sila ay nakatingin sa kanya.

"Ano ba talagang kailangan niyo sa akin?" tanong ni Uncle sa mga nilalang. Kinabahan siya sapagkat maaring kanina pa nila kasama ang mga halimaw na iyon habang siya ay nagkukuwento sa amin.

Sa puntong ito, lahat kaming magpipinsan ay napatingin sa isa't isa. Alam naming lahat na wala ng tao sa kusina. Kaya naman nang ma-realize namin na maaring engkanto ang kausap ni Uncle ay napatakbo na kaming lahat papanik sa itaas. Nagtilian na ang mga babae at nagsigawan ang mga lalake. Nagkaroon ng maliit na stampede sa hagdanan dahil nagkatulakan para mauna sa pag-akyat.

Walang gustong matira sa baba. Walang gustong dumamay kay Uncle maliban kay Aiko na pumunta sa likod niya at yumakap. Nakita ko pa ang isa kong pinsan na mataba na natapaktapakan namin nang siya ay madapa.

Sa ingay ay nagising ang mga matatanda sa bahay. Galit dahil naisturbo ang kanilang mahibing na tulog.

"Ano ba iyan?!" Nakasabingot si Mama habang hawak hawak niya ang kamay ni Papa na ready na atang manaksak dahil may hawak na itong itak.

Tumakbo ako kay Mama at yumakap. Sabi ko na nga ba, kanina pa kami may kasama. Kanina pa kami minamasdan ng mga malignong itim.

Hindi sumagot ang mga nilalang, tumingin lamang ito sa kanya na para bang may nagawa siyang isang karumal-dumal na krimen.

Maya maya pa ay bigla nalamang may humawak sa balikat ni Uncle, isang malamig at napakabigat kamay.

Pag lingon ni Uncle ay halos matumba siya sa gulat; si Erato, ang babaeng nakaitim. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala siyang belo. First time makita ni Uncle ang kanyang mukha. Napaka-haba at napaka-puting buhok ang tumambad sa kanyang harapan. Kulubot ang balat nito at tulad ng iba ay para ring isang kahoy na nabubulok na, patusok ang tenga, at may laking ngiti sa mukha nito, ang mga mata nito’y purong itim.

Di naglaon ay nagsi-tayuan ang mga tao mula sa mesa at unti unting lumapit kay Uncle. Nakakatakot ang itsura nila. Lalo na ang isang maligno na may sungay na may hawak na tambol.

***
Nandilim ang paningin ni Uncle. Wala siyang makita. Ngunit mga ilang segundo lang ay nakita niya ang kanyang sarili sa Mt. Banahaw.

Para siyang bumalik sa nakalipas. Nakita niya kung paano nila nasira ang malaki, matangkad at matabang puno na may ugat na kasing taas nila. Nakita niya mismo ang sarili niya habang masayang dinudumihan ang ilalim ng puno, sinugatan ang kahoy ng puno at kung paano nila binaboy ni Mila ang puno na siya palang templo ng mga engkanto.

Nanliit si Uncle. Hiyang hiya siya sa kanyang sarili habang pinapanuod niya ang kanilang ginagawa sa kakahuyan.

Nagfade ang kagubatan at nakita niya ang sarili sa kuwarto ni Mila. Nakahiga sa kama at parang patay na. Marami itong sugat sa mukha. Nadadama ni Uncle na matindi na ang paghihirap niya sa mga bukul-bukol at nagtutubig na sugat na bumalot na sa buong katawan niya. Tila sagad na sa buto ang mga iyon. Sa katunayan ay kusa na lamang tumutulo ang nana mula sa mga iyon. Ipinakita sa kanya kung paano ito nagdusa. Kung paano siya pinarusahan.

Ilang saglit pa ay umikot ang kuwarto ni Mila at napunta naman siya sa isang ospital. Doon niya nakita sa isang puting silid ang sunog na katawan ni Chris, ang matalik niyang kaibigan na sa pagkakaalam niya ay naninirahan sa Germany, walang siyang kamalay-malay na pati pala siya ay binawian na ng buhay. Hindi man lang niya ito nabalitaan. Pati pala siya ay nagbayad din sa kasalanang kanilang ginawa sa kalikasan. Kasama rin si Chris sa Mt. Banahaw nung nag-reunion sila.

Pagkatapos nito ay namatay ang ilaw sa silid ng ospital, nawala pati ang ilaw sa labas ng silid. Unti-unting nilalamon ng dilim ang buong paligid na kinalalagyan ni Uncle. At ang tanging huling nakita niya ay ang sunog na katawan ng kaibigan. Tuluyan ng nagdilim. May narinig siyang mga pagyapak sa di kalayuan.

"Jonathan…" Pagbulong ni Mila sa katabi. "Jonathan, gising! May dumarating!"

"A-ano?" bumilis ang tibok ng puso ni Uncle.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Mila sabay tingin sa baba ni Uncle. "I mean, kaya mo na bang tumakbo?"

Tumingin si Uncle sa baba at pinakiramdaman. "Tingin ko..."

Nakinig-kinig muna si Mila, huminga na malalim at saka nagsalita.

"Jonathan, pag sinabi kong takbo, subukan mo akong sabayan. Naiintindihan mo ba? Kailangan mong makalabas sa kakahuyan, kung hindi ay baka... baka hindi ka na makalabas..." May lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi ni Mila ang bawat salita sa kanyang huling pangungusap.

"Oo."

Papalapit ng papalapit ang mga pag yapak. Dinig na dinig ang kaluskos ng paa nito sa mga tuyong dahon at tangkay na nakakalat sa lupa.

"Bibilang ako ng tatlo. Pagkatapos ay kailangan na nating tumakbo." Bulong ni Mila.

"Oo"

"Isa…"

Lumakas ang kaluskos ng paa ng papalapit na nilalang.

"Dalawa…"

Hinawakan ni Mila ang kamay ni Jonathan at ginantihan naman iyon ni Uncle ng isang madiin na grip na para bang ayaw niya ng pakawalan si Mila.

"Tatlo…takbo!"

At agad silang tumakbo mula sa likod ng puno. Habang tumatakbo ay lumingon si Uncle, at nakita niya ang babeng nakaitim. Nanlambot ito na muntikan na naman siyang madapa dahil kakaiba ang paggalaw nito. Mabagal ngunit hindi nalalayo sa kanila.

"Ano? Ayos ka lang ba?"

"Oo, okay lang ako."

"Hindi kayo makakatakas!" Sigaw ng babae mula sa di kalayuan.

Maya maya pa, habang tumatakbo, ay may natanaw si Mila sa di kalayuan.

"Ano yun?" Tanong ni Uncle.

May nakita silang pares ng ilaw. Napangiti si Mila sa nakita, bahagya silang napatigil sa pagtakbo.

"Malapit na tayo, Jonathan!"

"Makakaligtas na tayo!" natutuwang sabi ni Uncle.

Umiling si Mila. "Ikaw lang... Ikaw lang..." Malungkot nitong sabi.

"Pero?"

"Tara, bilisan natin!" Sambit niya sabay hila kay Uncle.

Binilisan nilang dalawa ang pagtakbo. Hindi nagtagal ay may narating silang daanan paakyat. Medyo matayog ito, isang mababang bangin.

"Kaya mo ba, Jonathan?" tanong ni Mila.

"Kakayanin ko." Sabi ni Uncle.

"Akala niyo makakatakas kayo?"

Narinig nila ang isang tinig. Napalingon silang dalawa at nakita ang babae sa di kalayuan. Lumakas ang hangin at natanggal ang belo nito. Napasigaw si Mila sa nakita sapagkat bungo ang mukha ng babae.

"Sabi ko naman sa inyo diba, hindi kayo makakatakas." Dagdag nito.

"Dali, Jonathan, umakyat ka na!"

Tinulungan ni Mila si Uncle na umakyat. Ang mga maliliit na stem ng mga halaman ang nagsilbing hawakan ni Uncle sa pag akyat nito. Pag lingon ni Uncle sa kanyang likuran ay wala si Erato. Imbes na mapakalma ay lalo siyang kinabahan.

"Jonathan, dalian mo!"

"Malapit na ako, Mila! Ito na! Konti nalang."

Hindi nagtagal ay naabot ni Uncle ang tuktok. Hingal na hingal. Pagod na pagod.

"Mila. Ikaw naman! Umakyat ka na!"

Umiling si Mila. "Paalam Jonathan. Paalam!"

"Mila!" Tinignan ni Uncle ang baba ng bangin wala pa rin sa paligid ang babae.

"Bilisan mo! Habang wala siya!" Aakyat na sana si Mila ngunit laking gulat nito sapagkat nasa likuran na ni Jonathan ang babae.

"Jonathan! Sa likod mo!"

Dala ng babaeng ang itim na krus na may patalim sa dulo. Itinaas nito ang kanyang kamay upang saksakin si Uncle pero bumalikwas si Uncle upang salagin ang dagger. Dahil sa ginawa niya ay nasugatan ang kanyang kamay. Dumanak ang dugo at tumulo ito sa kanyang mukha.

"Jonathan!" napasigaw si Mila.

Hindi nakakibo si Uncle. Kahit na sugatan at duguan ang sariling kamay ay pilit pa rin niyang pinipigilan ang babae na maigalaw ang mga kamay nito. Nagsalita ang babae sa malalim nitong boses ngunit hindi niya ito maintindihan. Kaharap na kaharap na ni Uncle ang babae at kitang kita niya ang nakakatakot na mukha nito.

"Paalam, Jonathan." Sabi ni Erato.

Tinadyakan nito si Uncle. Nang makawala ang mga kamay niya ay agad niyang sinaksak si Uncle at sinipa sa mababang bangin. Nawala si Uncle sa kanyang balanse at agad na nahulog.

Hindi alam ni Uncle kung saan siya babagsak. Parang walang katapusan ang lalim ng banging kanyang nahulugan. Maya maya pa ay nakarating siya sa mansyon na parang simbahan. Hindi tulad ng unang pagpunta niya dito, may mga nilalang ng nakaupo sa mga mahahabang upuan. Nanduon pa rin ang taong nakapako sa krus. Gumagalaw ito.

Nagsisigaw si Uncle pero nagulat na lamang siya nang nakita niya na siya'y nakakadena sa isang malapad na bato.

***
Bumaba ako ng hagdan para tukuyin ang naririnig kong ingay. Inaawat nila si Uncle, nakatingkayad ito, nakataas ang dalawang braso na tila nakapako, habang paikot ikot ang leeg nito at nakatirik ang mata.

"Katherine, Aiko... Alisin niyo ang mga bata dito... Dali!" Sigaw ni Tita Perla. Natakot ako sa aking nakita at bumalik ako sa kuwarto ni Mama.

Niyakap ni Uncle Iking at ni Papa si Uncle Jonathan, sinusubukang patigilin pero nagwala ito, nagsisigaw at napakalakas niyang itinulak ang dalawa. Tumilapon si Papa sa pader. Dinig na dinig ko ang lakas ng kalabog nang tumama ang kawatan ni Papa sa dingding. Habang si Uncle Iking naman ay nasubsob sa sahig, dahilan para matanggal ang isa niyang ipin.

Nagsimulang naglakad si Uncle sa labas. Umiiyak na si LoLa, nagdadasal at nakikiusap kay Uncle ngunit hindi niya ito pinapansin.

"Diyos ko Jonathan. Ano bang nangyayari sa iyo?" Hindi na ata kinaya ni Lola ang sobrang takot na nararamdaman niya at ilang saglit pa ay bumagsak siya na parang lantang gulay at hinimatay na. Dali dali naman siyang sinalo ng iba pa naming kamag-anak.

***
Nagsimulang magdasal ng sabay sabay ang mga nilalang. Dinadasalan nila ang taong nakapako sa krus. Nakita ni Uncle ang grupo nang mga nilalang na kalahating kambing at kalahating tao. Tumutulo ang laway nila at marami silang galos sa katawan. May mga nagkakatahan din na may halong sigaw at pagpalakpak.

Punong puno ng ibat ibang nilalang ang mala-simbahang mansyon at nasa harapan nila si Uncle na animo'y pinagpipiyestahan, pinalilibutan ng mga itim na bulaklak. Marami ang nagkakantahan. Sarado ang mga pintuan at binatana at may sindi ang mga kandila. Natatakpan ang ceiling na makapal na insenso na hawak hawak ng isang babae.

Napansin niya rin na ang ilan sa kanila ay may mga dalang garapong may lamang maduming tubig at inilalagay nila iyon sa harapan ng rebulto ni Pan.

Tumingin si Uncle sa nakapakong tao, patuloy na tumulo ang dugo nito. Humihiyaw sa sakit habang lumalakas naman ang tinig ng mga nilalang sa pagkanta. Nakita ni Uncle na may inscription sa baba ng krus ngunit hindi malaman ni Uncle kung anung klaseng letra iyon at anong lenggwahe.

Ilang sandali pa ay nagsalita na ang babae, naririnig ni Uncle ang salita nito ngunit nakapagtatakang hindi man lang bumubukas ang bibig nito na para bang natatanggap niya ang mensahe ng babae telepathically.

Habang nakaharap sa taong nakapako ay binigkas ng babaeng nakaitim ang sumusunod, hindi ito ang saktong dasal ngunit ganito ang mensaheng nais iparating ng babae:

"Aming Diyos na Bacchus
Aming iniaalay ang araw na ito
At ang lahat ng aming mga gawain,
Sa Iyong harapan.

Nawa’y kalugdan mo,
Ang lahat ng aming angkan
At nawa’y masunod namin
Ang iyong kautusan.

Ngayong kapistahan ng Dionysia
Bigyan mo kami
Ng kalakasan
Matalas na diwa
Upang maisakatuparan namin
Ng maayos ang aming layunin
Bilang tagabantay ng Kalikasan

Nasa inyong harapan o Diyos namin
Ang aming handog at alay ngayong kapahistan..."

Nang marinig ni Uncle ang huling pangungusap na binigkas ng babae ay alam niya na na siya ang tinutukoy na alay. Nagwala siya at napahinto ang babae. Tumingin ito sa kanya at napalitan ang pagiging seryoso nito ng galit ng mapansin nitong lumalaban pa rin si Uncle.

"Kung hindi niyo naantala ang aming pista nuon ay hindi mangyayari sa iyo ito!!!" Sigaw ng babae, nanginginig ito sa galit, hawak ang krus ni Bacchus.

***
Naglakad si Uncle papalayo ng bahay, walang makapigil sa kanya, pati mga kapitbahay ay tumulong na rin para pahintuin siya sa paglalakad pero napakalakas niya. Hindi siya natitinag kahit na anong pukpok, suntok at sipa ang abutin nito sa mga tao.

Naglakad siya papuntang kalsada, sa isang Avenue malapit sa amin, sinusundan siya ng mga kapatid niya ngunit hindi siya mahabol habol. Nagsimula nang tumawid si Uncle sa nasabing Avenue.

"Zooooommmmm...." Ugong ng isang rumaragasang truck na mismong dumaan sa likod niUncle.

"Beeep... Beep..." Tunog naman ng isang van na muntik ng madaplis si Uncle sa tagiliran.

Mga ilang beses na muntik masagasaan si Uncle. Nasa nasabing Avenue na rin si Mama, kinuha niya ang isang panyo at binasa ang dasal na nakapaloob dito which was loud enough para marinig ni Uncle.

"Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.

Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.

Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot."

Panimulang sambit ni Mama, umiiyak ito at sinusipon na rin.

***
"Rizar! Tumingin ka sa daan!"

Kapwa nakita ni Dr. Rizar at ni Estella ang isang lalaking naglalakad sa malawak na kalye, parang wala ito sa katinuan.

"Rizaaaarrr!!!!! Aaaahh!!!"

***
Nakataas na ang krus na hawak ng babae, handa na ito para saksakin si Uncle.

"Diyos ko tulungan niyo po ako. Pinanghihinaan na po ako ng loob. Nawawalan na po ako ng pag-asa. Tulungan niyo po ako Diyos ko, huwag niyo akong pababayaan. Pinagsisihan ko po ang lahat ng kasalanan ko." Dasal ni Uncle habang nakapikit at hinihintay ang pagtarak ng matalim na bagay sa dibdib niya.

***
"Diyos ko si Jonathan mababangga! Jonathan!!!!" Sigaw ni Tita Perla na napaluhod na sa nerbiyos habang tumatakbo naman ang tatlong tao para iligtas si Uncle sa nalalapit nitong kamatayan.

Hindi iyon ang nagpaawat kay Mama sa pagbabasa ng salmo, patuloy pa rin ang pagusal niya ng napakalakas kahit maraming tao. Habang nakakapit sa kanya si Aiko na umiiyak at sinasabayan siya.

"Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal
Kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
Susuguin niya ang maraming anghel, sila’ng susubaybay,
Kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.
Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas
Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas.
Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik,
Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis."


Last edited by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 12:31 pm; edited 1 time in total
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Neal Ocampo on Wed Oct 16, 2013 10:47 am

Chapter XII

CONCLUSION

Itinigil ni Dr. Rizar ang sasakyan at agad silang bumaba ni Estella sa kotse at nilapitan ang natumbang si Uncle Jonathan.

"Atan? Atan, ikaw ba iyan? Anong problema?” tanong ni Dr. Rizar. Pinsan siya nila Uncle na kapitbahay lang namin. Si Dr. Rizar ay miyembro rin ng isang grupo ng mga Messianic Jews.

Tumingin si Dr. Rizar sa paligid, maraming tao at nakita niya si Mama na hanggang ngayon ay nagdarasal. Mga tatlong beses niya atang inulit ang salmo at doon napagtanto ng kanilang pinsan ang nangyayari. Aware siya sa kalagayan ni Uncle.

Pinaalis at pinatabi niya ang katawan ni Uncle sa kalsada. Pinahiga ito sa gutter. Tinawag niya si Mama at ipinaulit ang pagdarasal, sumenyas din siya sa kanyang asawa na si Estella at tila may pinapakuha. Maya maya pa ay bumalik ang kanyang asawa at may dala na itong tambuli na yari sa sungay ng lalaking tupa.

Habang nagdarasal ay pinatunog ni Dr. Rizar ang tambuli. Umugong ito nang napakalakas. Para itong tumatawag ng hukbo ng mga anghel.

"Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak,
Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas;
Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat.
Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw.
Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating. " Pagdarasal ni Mama.

***
Biglang nagsigawan ang mga nilalang. Nagtakbuhan palabas ng mansyon. Kahit na nasa ibang mundo sila ay naririnig nila ang tunog ng tambuli at ang salmong inuusal ni Mama. Para silang nabibingi, nakatakip ang kanilang mga tenga, humahagulgol na parang nasasaktan.

Maya maya pa ay nasaksihan ni Uncle kung paano niwalis ng isang buhawi ang mansyon. Nagmistula itong kastilyong buhangin na tinatangay ng hangin.

Sumigaw ng napakalas ang babaeng nakaitim. Kitang-kita ni Uncle kung paano lumuwa ang mata ni Erato at nalaglag ang itim na mga mata nito. Dumila si Erato, at kitang-kita niya rin na humaba ang dila nito at nahati sa dalawa.

Sumisigaw din ang kanilang Diyos na si Bacchus na nakapako sa krus. Natumba ang rebulto ni Pan at nilapad ang mga upuan. Nakakita si Uncle ng nakakasilaw na liwanag mula sa kaitaasan at saka naglaho ang lahat.

***
Nakaupo lamang si Lola at ang kanyang mga anak sa waiting area ng Makati Med, naghihintay ng balita tungkol sa lagay ni Uncle. Hawak hawak pa rin ni Mama ang panyo na may Salmo, balisa pa rin silang lahat at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Nakita ni Lola si Dr.Rizar. Kagagaling lamang niya sa loob ng silid ni Uncle. Sa kabila nang nangyari ay nakuha pa ring ngumiti ni Lola kay Dr. Rizar. Ngunit mga mata nito ay puno pa rin ng pangamba at lungkot.

"Ayos lang ba yo?" tumabi si Dr.Rizar kay Lola. "Okay na si Jonathan. May malay na siya."

"Salamat sa Diyos." Sabi ni Lola kay Dr.Rizar

Pinasok na nila si Uncle sa kuwarto. Nakatitig ito sa itaas. Unang kumausap sa kanya si Lola ngunit wala itong imik. Tahimik na animo'y wala siyang naririnig.

Palaisipan pa rin kay Lola at sa iba pa niyang kapatid ang lahat ng kanyang pinagdaanang hirap, kung bakit siya ginugulo ng mga maligno.

"Magiging okay na ang lahat Atan, wag kang mag alala." Sabi ni Mama. Di naglaon ay pinakawalan na ni Lola ang tanong na ilang oras na ring nasa isipan niya. "Jonathan, ano ba talaga ang nangyari? Bat kayo hinahabol ng mga maligno? Anong kasalanan ang nagawa mo sa kanila?"

Hindi sumasagot si Uncle. Nang maisip ni Lola na mukhang nasosobrahan na ang kanyang pagtatanong ay humingi ito ng paumanhin. Tumingin na lamang ito sa mga anak niya at umupo na lang sa tabi ni Uncle Jonathan. Sa pagkakataong iyon ay umiyak na si Uncle Jonathan. Ngunit wala parin siyang imik. Patuloy lang tumutulo ang luha niya. Niyakap ni Lola ang balisang si Uncle.

"Natatakot po ako…natatakot po ako…" sabi ni Uncle.

***
Apat na buwan ding ganito si Uncle. Tahimik at nagkukulong sa kuwarto. Apat na buwan siyang walang trabaho at apat na buwan ding binababangot.

Samantala, mas lalo namang gumanda ang mga sunod na nangyari sa buhay ni Uncle matapos niyang maka-recover. Si Uncle, na-promote bilang OIC nang bumalik siya sa kanilang ahensiya.

Hindi na kami muling binulabog ng buwisit na mga maligno!

Ang batas ng Kalikasan at ng Diyos ay hindi nababago. At lahat ng iniisip natin at ginagawa natin ay may katapat na consequence. Lahat ay babalik sa pinagmulan nito. Tulad nga ng sinabi ng isang Physicist, na kung magtatapon ka ng isang bato sa kalangitan at kung walang anuman ang pipigil dito, ay babalik at babalik iyon sa kinatatayuan mo kung saan nagmula ito.

Kaya maging maingat sa bawat salitang sinasabi, sa bawat desisiyon na gagawin. Huwag hahayaang makagawa ng isang aksyon na makapagpapahintulat sa mga demonyo na pasukin ang buhay mo.

One should realize first that he is part of a spiritual battle every day in this world, in which demons influence human lives in order for humans to fall into their pit.
Sabi nga sa Ephesians 6:12,

"For we are not struggling against human beings, but against the rulers, authorities and cosmic powers governing this darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly realm."

Now once you came into realization, then you have to find wisdom through a fellowship with God. It's really important for us to stay closely connected to our Father, since the wisdom and understanding that comes from our fellowship with Him will provide courage to face all spiritual struggles and will empower us to know what is genuine or delusional.

Sabi nga sa Proverbs 9:10,

"The fear of ADONAI is the beginning of wisdom, and knowledge of holy ones is understanding."

Dapat wala tayong kinatatakutan maliban sa Diyos. Huwag mababahala sa mga demonyo because if the demon sense your fear and weakness, then that means mas malakas siya sa iyo. Kapag tayo ay natatakot sa mga ganyang entities, isa lang ang ibig sabihin nun, medyo hindi ganun katatag ang faith natin.

Sabi nga sa John 14:27,

"What I am leaving with you is shalom -- I am giving you my shalom. I don't give the way the world gives. Don't let yourselves be upset or frightened. "

At higit sa lahat, matutong makiramdam, hindi lang tayo ang nilalang sa mundo. May mga nakatira din dito na baka nga nauna pa sa atin. Karamihan sa kanila ay nakikita kung saan madilim. At hindi natin alam na baka ang ilan sa kanila ay nakatingin sa iyo ngayon habang binabasa mo ito.
avatar
Neal Ocampo
Administrator and Caftan King
Administrator and Caftan King

Posts : 24
Join date : 16/10/2013
Age : 24
Location : Behind You!

http://paranormalandbeyond.forumtl.com

Back to top Go down

Re: The Lady in Black

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum